Hindi type ang babaeng nagsabi ng I love you

0
22
payo, artikulo, pag-ibig, kabiguan, pagmamahal, paghanga, martir, pag-asa,

 

Dear Maria,

Nagtapat sa akin ng pag-ibig ang kaklase ko, hindi ko man alam kung nagbibiro lang siya o seryoso, hindi ko siya type. May iba akong mahal. Ang problema ko, hindi ko siya gustong masaktan. Ano ang gagawin ko? — Ronald

 

Ronald,

Hindi mo naman kailangang magpanggap na gusto mo rin ang isang babae kahit hindi naman. Kung gagawin mo kasi iyon, siguradong masasaktan mo lang siya. Hindi naman siya manhid para ‘di niya maramdaman na pinagbibigyan mo lang siya. Kailangan mong magpakatotoo at maging tapat palagi. Sa pamamagitan niyan ay magagawa kang irespeto ng mga tao lalo na iyong humahanga sa’yo. Mas dapat nga ay pangalagaan mo ang pagtingin mo sa kanya.  

Hindi lahat ng tao ay hahangaan ng isang opposite sex. Sa halip na magyabang ka o di kaya naman ay mairita, maging mapagmalaki ka. Ibig sabihin, hindi ka lang guwapo kundi mabuti kang tao para ikaw ay hangaan. Kaya, kang gumawa ng paraan para masira ang pagkakilala niya sa’yo. Hindi naman kasi porke nagtapat siya ng feelings niya sa’yo ay pinupuwersa ka na niyang mahalin mo rin siya. Sa panahon ngayon, gusto lang talaga ng mga babae na sabihin ang kanilang nararamdaman. Siguro kaya ganoon ay dahil nabibigatan silang may inililihim.  

Kung nagawa nu’ng babae na maging tapat sa kanyang nararamdaman, sana rin naman ay maging tapat ka sa nararamdaman mo. Kung magsasabi siya uli ng damdamin, ‘bastedin’ mo siya. Masasaktan mo siya pero tiyak ko na makaka-recover naman siya agad. Kaysa naman paasahin mo siya na may pagtingin ka sa kanya kahit wala naman. Kapag ginawa mo iyon, siguradong madudurog mo ng husto ang kanyang puso. Huwag ka na gumawa pa ng dahilan para masira mo ang kanyang buhay. Basta magpakatotoo ka na lang at tapos ang usapan. Darating ang araw na makikita niya ang lalaking makakasama niya sa habambuhay.  

Ikaw naman, huwag babagal-bagal. Kung may babae kang nagugustuhan, dapat naman ay sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Gayunman, kung hindi ka pa handa sa isang relasyon, mas maigi ngang sarilinin mo na lang muna ang iyong nararamdaman. Pero, kailangan ay maging handa ka rin pagkaraan. Baka kasi maging dahilan pa ‘yan para hindi ka magkaroon ng pagkakataon na maging girlfriend siya.  

Well, hindi naman lahat ng nagmamahal ay sinasabi ang kanyang nararamdaman. Kung minsan, mas epektibo pa talaga kapag ipinaparamdam mo. Kaya, bakit hindi ganoon ang gawin mo. Habang hindi ka pa handa na ibulalas sa mahal mo ang iyong nararamdaman, makabubuti kung ipaparamdam mo na lang sa kanya na gusto mo siya. Alagaan mo siya, mag-alala ka para sa kanya. At kung hindi siya manhid, baka makuha mo rin ang kanyang puso. Pero siyempre, mas maigi pa rin na sasabihin mo ang nararamdaman mo para maging malinaw talaga ang inyong sitwasyon.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here