Hinalay ni Tatay dahil si Nanay nasa abroad

0
55

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Mga katsismosa, masyadong sensitive ang istorya ngayon pero pinilit ko pa ring isulat ito para bigyan din ng babala ang mga magulang na pinipiling magtrabaho sa abroad kaysa dumito sa Pilipinas para mabantayan ang kanilang anak.

Ngunit, hindi naman natin magagawang sisihin ang mga taong nagtatrabaho sa abroad, ang nais lang naman kasi nila ay kumita para sa kinabukasan ng mahal nila sa buhay.Ay naku, kung mataas lang talaga ang sahod dito sa Pilipinas, sigurado akong walang sinumang magulang ang nanaisin pang umalis ng Pilipinas.

Gusto sana kitang tuksuhin, mga katsismosa, palagay ko kasi ay marami ng katanungan ang naglalaro sa’yong isipan kung bakit ganito ang aking mga salita. Kaya, sige, sasabihin ko na, bago ka pa man mangisay sa pananabik.

Iisa pa lamang ang anak ni Karla ngunit ibig niyang mabigyan ito ng magandang buhay kaya naman ang sabi niya sa asawang si Mando, gusto niyang magtrabaho sa abroad. Tutol man si Mando sa gusto ng asawa, si Karla pa rin ang nasunod. Tanggap din naman kasi ni Mando na hindi niya makakayang ibigay ang magandang kinabukasan sa kanyang mag-ina. Simpleng empleyado lang kasi siya at ang kita niya ay kulang na kulang.

Wala naman sanang problema sa amo ni Karla. Mabait ito, para ngang nagkaroon siya ng ikalawang pamilya. Kaya, kahit na malayo ang Russia, parang hindi siya nahu-homesick. Maluwag din naman kasi ang kanyang amo kaya madalas niyang nakakausap ang kanyang mag-ama. Sa tingin naman niya ay walang problema sa sitwasyon. Maganda ang kanyang trabaho kahit isa lamang siyang katulong dahil hindi siya itinatratong iba kaya naman sa loob ng sampung taon ay pabalik-balik siya roon. Ngunit, nang tumuntung na sa dose anyos na si Abigail ang kanyang anak ay nakakita na siya ng kakaiba sa kilos nito. Kung dati’y sobra itong sigla kapag siya’y nakakausap, napansin niyang kahit na nagbi-video call sila ay pansin niya ang katamlayan nito. Tinatanong naman niya ito pero iling lang ang sinasagot nito at sasabihing masama ang pakiramdam. Nang tanungin naman niya si Mando sinabi nitong pinagalitan nito ang kanilang anak paano ay nakikipagharutan sa mga lalaki.

Sa kaisipan tuloy na nagdadalaga na ang anak, biglang naisipan ni Karla na tapusin na lang ang kontrata niya sa kanyang mga amo at bumalik na sa Pilipinas. Mayroon na naman kasi silang maliit na grocery na sinasabi ni Mando na medyo malakas naman ang kita kaya sa palagay niya’y hindi na naman sila magugutom na. Ngunit, ang desisyon na iyon ni Karla ay hindi muna niya sinabi sa kanyang mag-ama. Ibig niyang sorpresahin ang mga ito pero hindi niya akalain na siya pala ang higit na masusorpresa sa pagdating niya sa kanilang bahay.

Dahil sa pagtatrabaho niya ay nakapagpundar na siya ng two-storey house. Dahil sa may kalakihan iyon, hindi namalayan ang kanyang pagdating. Alas-nueve pa lang noon ngunit patay na ang ilaw sa kanilang bahay. Kaya, hindi siya agad nakapagbulalas ng ‘surprise’. Napabilis lang ang pag-akyat niya sa hagdan ng marinig niya ang isang malakas na paghagulgol na alam niyang nagmumula sa kuwarto ni Abigail.

“Tumigil ka!” sigaw naman ni Mando.

Kaya, agad niyang binuksan ang pinto ng silid ni Abigail. Gusto sana niyang magtanong kung ‘ano ang nangyayari?’ pero hindi na niya nagawa nang buksan niya ang ilaw. Nakita niya si Mando na nakakubabaw sa kanilang anak.

Walanghiya si Mando, mga katsismosa, hindi ba? ‘Ginamit’ niya ang kanyang anak dahil nangungulila raw siya sa sex. Wala raw kasi ang misis niya para ibigay ang pangangailangan niyang sekswal kaya ang napagbalingan ay ang sariling laman at dugo. Hayun tuloy, ipinakulong siya ni Karla at dapat lang naman.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here