GOBLIN, Ipapalabas Muli ng ABS CBN

0
23

Ipalalabas ulit sa ABS CBN ang Korean drama na “Goblin”. Ito’y pinagbibidahan nina Gong Yoo at Kim Go Eun. Kasama rin sina Lee Dong Wook bilang si Grim Reaper at Yoo In Na.

Ito na ang pangatlong beses na ipapalabas ng ABS CBN ang Goblin. Alam ko naman kung gaano kasikat at kaganda ang dramang ito pero wala na bang ibang makuha ang ABS para ulitin na naman nila itong palabas. O kaya wala ba silang bagong gawang teleserye para ilagay sa timeslot na paglalagyan nila nito?

Kung gusto nila ng Korean drama, napakaraming bago na pwedeng ipalabas. Tulad ng “Circle”, “While You Were Sleeping”, “The Liar and His Lover”, “My Shy Boss”, “My Secret Romance”, at “Fight For My Way”.

Mukhang gusto lang nila na ‘yung mga sobrang sikat na lang ang ipalabas. Kung ganoon ay pwede naman nila ipalabas ang “Reply 1988”. Sobrang sumikat ito sa Korea at mataas talaga ang rating. Nandito din si Park Bo Gum na sikat na sikat din ngayon.

Kakaulit lang din nila ng “Legend Of The Blue Sea” pati ang “Moonlight Drawn By Clouds” ngayon ay “Goblin” ulit. Mukhang itong tatlo na ito lang ang uulit-ulitin nilang ipalabas. Sana ay kumuha na sila ng panibagong K-drama na kababaliwan ulit ng mga Pilipino.

Sa kabilang dako naman, mukhang hindi rin nagsasawa ang mga tao na panoorin ng paulit-ulit ang “Goblin”. Kaya rin siguro ito ibinalik ng ABS dahil alam nila na may manonood at manonood dito. Pag-uusapan muli at magte-trending na naman sa social media. Sana lang ay huwag nila ito gawan ng Filipino version at papangitin lamang ang palabas.

Manonood ka ba ulit ng “Goblin” sa ABS CBN o panonoorin mo na lang ulit ito online sa ibang panahon? O mas gusto mo na manood ng panibagong Korean drama dahil medyo nauumay ka na kay Gong Yoo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here