Ghost Bride Ni Kim Chui At Matteo Guidicelli, nakakakilabot!

0
39

Ipinalabas na kahapon ang bagong pelikula ng Star Cinema na “Ghost Bride” na pinagbibidahan ni Kim Chui, kasama niya rito sina Matteo Guidicelli, Christian Bables, Robert Seña, Ina Raymundo, Alice Dixson, Beverly Salvejo, Isay Alvarez, Nanding Joseph, Mon Confiado, Cacai Bautista, Victor Silayan, Luz Valdez at Jerome Ponce. Ang director nito  ay si Chito Roño.

Ito ang Halloween movie ng Star Cinema ngayon taon. Tungkol ito sa tradisyon ng mga Chinese. Pero, ito ay mas tungkol sa isang “ghost marriage” o pagpapakasal sa isang multo. Si Mayen na ginanapan ni Kim Chui na nakipagsapalaran at sinubukan ang pagpapakasal sa patay dahil sa kahirapang dinaranas ng kanyang pamilya . Sunud-sunod kasi ang kamalasan na nangyari sa kanyang pamilya at ito na lang ang kanyang nakikitang daan paramuli silang  makaahon.

Si Matteo, ang nobyo ni Mayen, ay hindi payag sa gusto niyang mangyari. Si Alice Dixon naman ang matchmaker na nag-alok kay Kim Chui sa traditional na Chinese wedding na ito. Pagkatapos ng “kasal”  ay doon na nagsimula ang mga malalagim na pangyayari sa buhay ni Mayen. Sobrang seloso ang multo at ayaw na nitong ipasama pang muli si Mayen sa ibang tao, kahit na sa kanyang pamilya.

Umani ng maraming magagandang response ang “The Ghost Bride”. Ito ay kumita na ng 14.3 milyon pesos sa unang araw pa lamang nito. Binati naman ni Xian Lim si Kim Chui sa success na natamo ng pelikula ng nobya niya. Sobrang proud at saya umano ni Xian dahil matagumpay ang “The Ghost Bride”.

Binigyan ito ng Cinema Evaluation Board (CEB) ng grade “A”, at rated PG (parental guidance) naman ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB. Pinapalabas na ito sa iba’t ibang sinehan, magpapahuli ka ba? Manood na para tumindig din ang mga balahibo ninyo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here