Game #56 – Ateneo de Manila University vs De la Salle Araneta University

0
20
UAAP Season 80

Isa sa pinaka aabangang labanan kapag nabanggit ang UAAP. Muli na naman tayong binigyan ng napakagandang laban ng dalawang koponan na ito. Isa ito sa “deciding game” na babago sa takbo ng Final Four. Kung mananalo ang Ateneo sa larong ito ay didiretso sila sa championship pero kung sila naman ay matatalo ay dadaan ang UAAP tradisyonal na Final Four set up.  

Sa 2:21 na natitira sa huling quarter ay naghahabol ng 7 puntos ang La Salle maaring ibigay na nila ang panalo sa Ateneo ngunit hindi nila basta basta isinuko ang laban at nagtulong sina Reigning MVP na si Ben Mbala at Kib Montalbo para lumaban , makuha ang panalo at idaan sa tradisyonal na paraan ang Final Four Semifinals.  

 “Big win. I have to commend the players for their effort and for sticking to the game plan especially during the endgame,” sabi ni Coach Aldin Ayo. Dito pinakita lang niya na mas lalong nagiging mature ang mga players ng La Salle lalo na sa end game. Isa ito sa ipinakamahalagang parte ng laro at magandang natutulungan ni Coach Aldin Ayo na matuto nito ang kanyang mga manlalaro.  

Muli, hindi na naman tayo binigo ng dalawang koponan na ito na bigyan tayo ng magandang laban. Isa din sa magandang parte ng larong ito ay ang hindi sila natututong sumuko sa laban at nilalaban nila ito hanggang sa huli.  

Dahil sa come from behind win na ito sinigurado na walang team na didiretso sa finals at dadaan lahat sa tradisyonal na final four. Magtatapos ng may 13-1 na kartada ang Ateneo at 12-2 naman ang La Salle. Magtatapos ang dalawang team na ito sa Una at Ikalawang pwesto ng standings.  

Pinangunahan ni Ben Mbala ang La Salle at nagambag ito ng kabuuang 28 points at si Ricci Rivero naman ang tumulong nagtapos ng may 21 puntos para makuha ang panalo at makapagtayo ng momentum bago ang final four.  

Nanguna naman para sa Ateneo na si King Eagle na mayroong 15 na puntos pero hindi ito naging sapat para masweep ang elimination round at dumaan sa final four set up. 

Tunay nga na kamangha mangha ang naging elimination round. Siguradong mas madami pa tayong aabangan hanggang matapos ang season.  

Ang semi finals ay magsisimula sa sabado. (November 18)

La Salle vs Adamson

Ateneo vs Feu

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here