Game #55 – University of Santo Tomas vs University of the East

0
10
UAAP Season 80

Huling laro, huling tsansa para manalo.  

Hindi sinayang ng mga tagaEspanya ang huling laro nila. Sa ka unaunahang pagkakataon nakuha ng UST ang kanilang unang panalo sa Season 80 ng UAAP. Kahit hindi man naging maganda ang buong season nila nagpapasalamat pa rin sila dahil hindi natapos ang season na wala silang panalo.  

Sinigurado nila Marvin Lee, Reggie Boy Basibas at Steve Akomo na ibibigay nila ang lahat sa huling laro para makapaguwi ng panalo. Hindi naman sila nabigo at nakuha nila sa ang panalo sa iscore na 88-85. 

Dumikit pa ang University of the East hanggang 79-80 pero hindi naman nagpabaya ang University of Santo Tomas at nakascore si Marvin Lee ng isang bank shot at si Basibas naman ay nakakuha ng steal at naconvert ito sa points para maibante ang lamang papuntang 84-79 at ang kalamangan ay nasa panig ng UST.  

Nanguna para sa UST ay si Basibas na nakakuha ng 21 na puntos at ang 12 nito ay nanggaling sa huling quarter ng laro kasama rin dito ang 9 na rebounds at 4 assist para tulungan ang UST na makamit ang unang panalo. Si Akomo rin ay nagtala ng mabibigat na numero na may 18 puntos at 20 rebounds. Si Caunan din naman ay nagtala ng kanyang double double na 14 puntos at 11 rebounds para tumulong makamit ang panalo.  

Kahit nagtapos sila ng 1-13 na kartada hindi sila nalungkot at mas pinili nilang maging masaya dahil hindi natapos ang season na wala silang panalo. “Part ng rebuilding process namin ito, Sana magtuloy tuloy na” sinasabi lang dito na isa lang ito sa patikim o simula ng muling pag run ng UST tunay nga na mas marami pang aabangan sa kanila. 

Aabangan din ng lahat ang pagbabalik ni Alvin Pasaol sa susunod na season. Napakalaki ng inimprove nito at inaasahang magiimprove pa ito sa susunod na season. Nagtapos siya sa larong ito ng 18 na puntos pero hindi ito naging sapat para isarado ang season kasama ang panalo.  

Nagtapos man sa hindi magandang kartada pero hindi matatawaran ang pinamalas nilang galing sa Season na ito. Isang Saludo para sa University of Santo Tomas, University of the East at sa iba pang koponan na hindi nakaabot sa Final Four. Aabangan namin ang inyong pagbabalik sa susunod na season maraming salamat na dugo at pawis na inialay ninyo para sa mga manonood. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here