Game #52 – University of the Philippines vs Ateneo de Manila University

0
13
UAAP Season 80

“Ang bumangga giba.” Iyan ang maglalarawan sa Ateneo de Manila University ngayon dahil nakuha na nila ang ika-13 na panalo para sa Season 80. Pero iba ang laro ngayon kahit nakuha nila ang panalo ay muntikan na silang madisgrasya sa University of the Philippines pero hindi naman nila hinayaan na matalo sila at natapos ang laro sa score na 96-82.

Tumaas lang ang kalamangan sa mga huling segundo ng laro. Pero naging dikit ang laro bago pumasok sa last 2 minutes ng laro. “Certainly a lot of fight in UP in this game”.Isa na rin sa mga dahilan kung bakit nahirapan ang Ateneo dahil din sa hindi naging magandang laro ni Thirdy Ravena. Nakatulong naman siya sa iba’t ibang paraan pero hindi maikakaila na nag-struggle siya pagdating sa puntos.

Habang may 3 minuto pang natitira sa huling quarter ay tumira si Nieto ng isang three points upang simulant ang kanilang 13-1 run para isarado na ang laro. Dito pinakita lang ng Ateneo sa UP at sa iba pang team na makakalaban nila na lahat sa kanila ay pwedeng magsimula ng run, lahat sa kanila ay pwedeng gumawa sa crunch time hindi lang ang team captain na si Thirdy Ravena.

Noong 4:19 pa ang natitira na oras at table sa score na 79 ay nagsimulan ng I-pressure ng UP ang Ateneo pero sa kasamaang palad ay tinawagan si Manzo ng isang napakabigat na foul na naging dahilan para siya ay ma fouled out sa laro. Pagkatapos nu’n ay nagsimula na ang 13-1 run at natapos na ang laro na nakuha ng Ateneo ang panalo.

Nanguna para sa Ateneo si Nieto na nakakuha ng 19 points para mapagpatuloy ang winning streak at si Ravena naman ay nag-struggle at nakakuha lamang ng 10 puntos. Para naman sa UP nanguna si Gomez de Liano na nakakuha ng 21 na puntos pero hindi ito naging sapat upang makuha nila ang panalo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here