Game #51- Far Eastern University vs National University

0
16
UAAP Season 80

Lalaban pa ba o uuwi na? Iyan ang estado ng National University bago magsimula ang laro. Pero hindi hinayaan ni JJ Alejandro na ito ang maging huling laro ng NU at tuluyan ng umuwi at tapusin ang run para sa UAAP Season 80. Naging maganda ang simula ng FEU at umabot pa sa 15 ang kalamangan pero hindi ito hinayaan ng NU at tinapos ang laro sa score na 87-84.

Pinangunahan ni JJ Alejandro ang napakabigat na 22-2 run ng National University para mabura ang 15 kalamangan ng FEU sa natitirang 2:51 at makalamang pa ng lima 86-81. Dito pinatunayan ng National University ang kanilang puso sa laro na maaring ito na ang kanilang huling laro pero hindi nila hinayaan na matapos lang ng ganun ganun ito. Sa halip sinubukan nilang humabol at sa kabutihang palad ay nagawa nila iyon at nakuha pa ang panalo.

Pinatunayan nila ang kasabihang “Habang may buhay may pag asa” dahil habang hindi pa natatapos ang oras ay hindi pa tapos ang lahat maaring matalo ka. Pero mas maganda na matalo ka ng lumalaban kaysa sa matalo ka ng sumuko sa laban.

“This is the dream. This is what I was expecting from our players. I hope it’s not too late, I hope it’s not too late,” sabi ng Head Coach Jamike Jarin. Naging proud si coach Jamike Jarin sa mga players niya kasi sa halip na sumuko mas naging matured sila na ituloy ang laban. “We never bowed down. I’m happy right now because I saw the maturity.

Nakakuha pa si Ron Dennison ng isang three points para ilapit ang FEU 84-86 pero hindi na ito hinayaan pa ng NU at nakapag-inbound sila ng maayos at kahit nakakuha lang si Enzo Joson ng 1 puntos ay naging sapat na ito upang makuha ang panalo.

Pinangunahan ni Team Captain JJ Alejandro ang NU para makuha ang panalo at nagtapos ng may kasamang 17 na puntos at siya naman ay tinulungan ni Gaye na nakakuha naman ng 24 puntos at 11 na rebounds.

Nanguna naman para sa FEU sina Arvin Tolentino at Ron Dennison na may tig 21 puntos pero hindi ito naging sapat upang makuha ang panalo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here