Game #30 – De la Salle University vs Far Eastern University

0
14
UAAP Season 80

Galing sa pagkatalo mula sa Ateneo de Manila University. Tinapos ng Lasalle ang laban sa iscore na 75-73. Bumawi ang La Salle sa larong ito dahil naging dikit lang ang laban nila kontra Ateneo na muntik pa nilang ikapanalo pero dahil sa turnover ni Kib ay nabigyan ng 2 free throws si Nieto na nagpanalo sa Ateneo.

Pero nga dito sa larong ito mas naging maingat ang La Salle dahil ayaw na nilang maulit ang nangyari sa kanila 3 days before.

Pinangunahan ni Ricci Rivero ang larong ito na nakakuha ng 20 points, 5 steals, 4 assist para makuha ang panalo. Tinulungan din naman siya nila Andrei Caracut na may 17 points at Mbala na may 18 points and 17 rebounds.

Sa final inbound naman ng laro ay na intercept ni Caracut ang bola para maseal ang panalo at sila ay maiangat sa 6-2 na kartada.

Naging lesson na rin sa kanila ang pagkatalo sa Ateneo para mas maging maingat sila sa bola sa dulo ng laro dahil kahit ano ay pwede pa ring mangyari.

Sa FEU naman ay gumawa si Tuffin at Cani ng 14 at 13 points pero hindi ito naging sapat upang makuha ang panalo.

Ang mga laro sa sabado
(October 14)
2pm – UE vs NU
4pm – ADMU vs ADU

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here