Game #26 – Adamson University vs Far Eastern University

0
21
UAAP Season 80

Matapos ang hindi magandang simula ngayon ay muli na nating nasisilayan lumipad ang Adamson Soaring Falcons dahil patuloy pa rin sila sa kanilang winning streak.

Tinalo ng Adamson ang FEU sa iscore na 95-79 dito pinapakita na muli ng Adamson na isa pa rin sila sa team-to-beat sa UAAP.

Simula pa lang ng laro ay agad bumulusok sina Ahanmisi at Espeleta na nagtulong upang kanilang makuha ang 21-8 na kalamangan sa pagsisimula ng laro. Simula noon ay patuloy na nilang ginabayan ang team nila at nagcontribute ng malaki na may 10 and 12 points . Sa pagkakataong yun ay nakuha na ng Adamson ang matamis na 61-40 lead at hindi na muli pang binigyan ng pagkakataon na makahabol ang FEU at patuloy na itong iniwan.

Sa huli ay nagtapos sina Ahanmisi at Espeleta ng tig-17 points na dahilan para makuha ng Adamson ang ika apat na sunod na panalo.

Tumulong din si Papi Sarr na nakakuha ng double double na 14 points at 14 rebounds . Pinapakita dito ng Adamson na naglalaro sila as a team hindi nila iniisip kung madami man maiscore ang individual players nila pero ang importante sa kanila ay ang makuha ang panalo. Koko Pingoy din ay mayroong double double 10 points and 10 assist . Si Rob Manalang mayroon din 11 points kasama ang tatling three points.

“There were times na we had a lot of mistakes , but i think we have surprised a lot of people that we are in this position” Head Coach Franz Pumaren said. Ang simula ay pasimula lang tapusin mo ito na mapamamangha mo ang ibang tao.

Samantala sa pagkatalo ng FEU ay nakalagay sila sa ikaapat na pwesto na may 4-3 na kartada. Nakakuha rin si Parker ng 12 points at Dennison ng 11 points hindi ito naging sapat para talunin ang Adamson.

Ang laro naman ngayong linggo ay napakabigat sisimulan ito ng NU at UP ng 2pm at susundan ito ng biggest rivalry na Ateneo at La Salle. Abangan natin ang mangyayari. “Be Brave”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here