FEU Tamaraws, sinuwag ang Adamson Soaring Falcons, 71-54

0
17
UAAP Season 80

NAGHARAP ang Far Eastern University at No.3 Adamson University sa laro ng krusyal na sagupaan para sa labanan ng nalalabing slots sa Final Four ng UAAP Season 80 Men’s Basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado, Nobyembre 11.

Hawak ngayon ng FEU ang karta na 7-7, na nanalo kontra sa Adamson (9-5)  para mapatibay ang kapit sa No.4 para sa Final 4.
Kasama ang Far Eastern University ng Ateneo, La Salle, at Adamson sa Final 4, kung saan ang FEU Tamaraws ay nakakuha ng 4th seed, dahil sa tagumpay na laban sa Adamson University Saoring Falcons, 71-54, sa second game ng Game#53 ng UAAP Season 80 Men’s Basketball tournament.

Kinapos ang Soaring Falcons, dahil sa kulang na kontribusyon at suporta  ng mga top players tulad ni Jerrick Ahanmisi na bumagsak at na-injury sa first quarter, kasunod si Jerie Pingoy na nagkaroon ng left ankle injury, kung saan sinamantala ng Tamaraws ang kahinaan ng Falcons.

Siniguro ng Morayta-based university na mapanghawakan ang bawat laro ng quarter kontra sa matinding depensa ng Adamson.  “Of course, natutuwa kami. I have to hand it to the players kasi they never gave up, never wavered sa kagustuhang mag-Final Four,” saad ni head coach Olsen Racela said.

Nakabalik ang FEU Tamaraws sa Final Four bilang fourth-seed, ngunit hindi pa alam kung sino ang susunod na makakalaban. “Kahit ano, dadaan pa rin naman kami sa butas ng karayom. Ang iniisip ko is more than yung kalaban namin, sarili namin,” sabi ni Coach Racela.
FEU 71 – Tolentino 14, Escoto 11, Orizu 10, Parker 9, Comboy 9, Inigo 7, Cani 5, Trinidad 2, Ebona 2, Bayquin 2, Dennison 0, Tuffin 0

ADAMSON 54 – Manalang 15, Sarr 10, Camacho 7, Lojera 4, Ochea 4, Bernardo 4, Espeleta 3, Pingoy 3, Hill 2, Ahanmisi 2, Paranada 0, Manganti 0, Zaldivar 0 QUARTER SCORES: 19-17, 35-32, 52-44, 71-54 Team Standings: *Ateneo (13-0); *La Salle (11-2); *Adamson (9-5); FEU (7-7); UP (6-8); NU (5-7); UE (3-10); UST (0-13)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here