Demonyo sa larawan

0
64

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

SA lumang bahay ng lolo at lola ko sa Nueva Ecija. Biglang humagulgol ang panganay na kapatid ng aking daddy na si Tito Benny sabay upo sa itaas ng hagdanan. Agad tuloy siyang nilapitan ng Tita Lily ko, ang ikalawa sa bunsong kapatid ng ama ko. Nakakahabag kasi ang hitsura ng tiyuhin kong bigla na lamang naglupasay. Ako naman ay natulala lamang sa kanya. Anim na taong gulang lang kasi ako noon.

“Kuyang, bakit?” tanong ni Tita Lily.

Nanlaki ang mga mata ng aking tiyuhin. “Huwag kang lalapit sa akin. Bumaba ka ng hagdan!”

“Bakit ba, kuyang?” nagtataka at natatakot na tanong ni Tita Lily.

“Inuutusan niya akong patayin ka,” naiiyak na sabi ni Tito Benny.

16 years old na ako pero nagawa ko pa ring itanong sa sarili ko kung totoo ba ang nakikita at naririnig ng tiyuhin. Damang-dama ko kasi ang takot sa kanyang boses. Madalas magsabi ng kung anu-anong nakikita ang kanyang tiyuhin pero hindi naniniwala ang ama niya na may third eye ang kanyang Tito Benny. Para rito, sanhi lang ng depresyon ang nararamdaman nito.

“Ano ba ang sinasabi mo, kuyang?”

“Demonyo ang larawan na iyon!” gilalas nitong sabi sabay turo sa larawan ng isang lalaki na nakasabit sa kaliwang bahagi ng bahay. Pagkaraan ay tumingin si Tito Benny sa aking Tita Lily. “Inuutusan niya akong itulak ka sa hagdanan. Salot ka lang daw kasi sa ating pamilya pero sabi ko, hindi totoo ‘yan. Matalino ka at mabait.”

Kahit noon pa, hilig ko na ang manood ng horror kaya parang hindi na ako naapektuhan sa sinabi ng aking Tito Benny. Mahilig din kasi itong manood ng kakatakutan kaya maaaring nasa utak pa nito ang mga napapanood. Saka malaking bahagi ng isipan ko ay hindi naniniwala sa ipinahayag ng aking tiyuhin. Hindi lang kasi ngayon nito sinabi na mayroon itong kakaibang nakikita. Saka, sabi nga ng parents ko, si God ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Ngunit, nang mapatitig ako sa larawan sinasabi ng Tito Benny ko, parang may kakaiba akong naramdaman. Nanayo kasi ang lahat ng balahibo sa aking katawan.

“Huwag kang tumingin, bata ka!” sigaw sa kanya ng kanyang Tito Benny.

“Kuyang…”

“Totoo ang sinasabi ko,” mariing sabi ni Tito Benny.

“Si Tito Alfon ang nasa larawan,” wika ng kanyang Tita Lily.

“Masama ang tao na ‘yan. Kahit noong nabubuhay pa kaya hindi kataka-taka kung hanggang ngayon ay masama pa rin siya. Baka nga nasa impiyerno siya ngayon at ibig niyang sundan ko siya.”

Kahit naman binalaan na ako ng tiyuhin ko na huwag kong titigan ang larawan, hindi ko pa rin maalis doon ang aking mga mata. Para kasing nakakaengganyong tingnan ang larawan ng aking Lolo Alfon na nakaupo sa mala-upuan ng isang hari at saka naka-dekuwatro pero pagkaraan ng ilang sandali ay biglang nag-iba ang larawan. Kitang-kita ko ng bigla itong ngumisi at magkaroon ng apoy sa paligid ang larawan nito kaya naman, hindi ko naiwasan ang mapasigaw sa labis na takot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here