Dahil nasasangkot sa droga…HIRIT NG DATING LP PRESIDENTIAL BET MANUEL ‘MAR’ ROXAS II: FAKE NEWS ‘YAN

0
55

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Taktika lang daw ng Duterte Administration ang pagpapalabas na mayroong kinalaman ang dating LP Presidential bet na si Manuel ‘Mar’ Roxas II at Senate Minority Leader Franklin Drillon na sila ay sangkot sa droga. Bagamat hindi pa nagsasalita ang Senate Minority Leader, ang former presidential bet naman ay nagsabing fake news lang iyon.

Paano nga daw kasi paniniwalaan ang balitang iyon kung ang nagsasabi ay Ricky Serenio, isang top drug personality sa Negros. Ibig sabihin, wala itong kredibilidad kaya hindi dapat seryosohin ang sinasabi. Ngunit, hindi ba kapag may usok ay may sunog? Uy, hindi ko sinasabi ito dahil naniniwala rin talaga ako, ha. Ako po ay nagtatanong lang.

Sa palagay ng Partido Liberal ay sinisira lamang sila ng Administrasyong Duterte sa publiko para malihis ang isyu tungkol kay Pangulong Duterte tulad na lamang ng pagtaas ng bilihin, extrajudicial killings, corruption at ang drug smuggling sa Bureau of Customs. Kung matatabunan daw kasi ng panibagong isyu ang mga kinakaharap ni Pangulong Duterte, malilimutan na ng publiko ang mga ‘pagkakamali’ ng kasalukuyang Administrasyon.

Kahit naman puro negatibo ang lumalabas na balita kay Pangulong Duterte, hindi ibig sabihin noon ay nawawala na ang tiwala sa kanyang ng publiko. Alam naman natin na milyung-milyong katao pa rin ang kanya ay nagtitiwala. Kahit naman kasi maraming napapatay, marami pa ring tao ang nakaramdam ng kaginhawahan dahil sa maniwala man kayo’t sa hindi, nabawasan din naman ang bilang ng krimen sa bansa.

Paano ba naman kasing hindi mawawala ang rapist, holdaper, kidnapper kung marami ng bumulagta dahil mga nasangkot sa droga? Gayunman, ang mga kontra sa pamamalakad ni Pangulong Duterte ay nagra-rally pa. Hindi raw tama ang ginagawang patayan. Kailangan daw kasi ay ikulong lang ngunit paano nga kung lumaban ang mga ito, eh di wala ng pagpipilian ang mga pulis kundi barilin na lamang ang mga ito. At kahit na ganoon ang sitwasyon ay marami pa rin ang kontra kaya nga, marami ang nagtatanong, bakit ba ang mga Partido Liberal ay tila kampi pa sa mga kriminal?

Ito nga ba ang dahilan? May kinalaman nga ba talaga ang miyembro ng Partido Liberal sa droga? Siyempre, kahit naman sinong kriminal ay tatanggi. Hindi sila umaamin kahit sukol na sukol na sila ngunit may mga pagkakataon din naman na talagang ibig lang din silang mapahamak. Maraming fans si Pangulong Duterte kaya kung may layunin lang siyang manira, talagang marami ang agad na maniniwala. Ngunit, ganoon nga bang kasama ang ating Pangulo? Kaysa sagutin ko pa ang tanong na ito, makakabuti kung mapapatunayan na lamang ng ilang miyembro Partido Liberal na hindi sila sangkot sa droga. Pero sana rin naman ay huwag din basta maniwala sa sinasabi ng tao na kuwestiyonable naman ang pagkatao.

So, ano nga ba ang dapat na gawin? Ebidensiya ang kailangan para mapatotohanan ang bagong isyu na lumalabas tungkol sa ilang miyembro ng Liberal Party.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here