Cinema1 Originals – Manood ng Pelikulang Pilipino

0
26

Mayroong pista na puro pelikulang Pilipino lamang ang ipapalabas. Ito ay ang Cinema One Originals. Mayroon mga short movies at mayroon ding full length movie na ipapalabas sa mga piling sinehan.

Mayroong siyam na pelikulang kasali sa festival na ito. “Haunted: A Last Visit to the Red House”, “Nay”, “Si Chedeng At Si Apple”, “Bundok Banahaw, Sacred and Profane”, “Paki”, “Nervous Translation”, “Historiographika Errata (Misprints of History)”, “Throwback Today”, at “Changing Partners” na isang musical.

Iba-iba ng mga pelikula. Mayroon horror, pang-millennial, musical, feel good movie, reality, at history. Mayroon din mga pelikula sa mapupukaw ka at may matututunan tungkol sa lipunan. Kasama sa mga pelikulang ito ang ilan sa mga bigating artista tulad nina Gloria Romero, Agot Isidro, Carlo Aquino, Sylvia Sanchez at Elizabeth Oropesa.

Mayroon din silang mga maiksing pelikula. Nagkaroon pa sila ng

Gloria Diaz, #WalangTakat

contest para rito at mananalo ng 30,000 php ang magwawagi ng best film. Pinangalanan nila ito ng “#WalangTakot” at ito ay para lamang sa mga estudyante.

Ipapalabas ang mga ito sa Nobyembre 13-21. Mapapanood ang karamihan sa mga pelikula sa mga Ayala Malls tulad ng Glorietta, Trinoma at Greenbelt. Mapapanood din ang mga ito sa Cinema ’76 Film Society sa may Shaw Blvd, Gateway, UP Cine Adarna, at Cinematheque. Mai-extend ito ng isa pang linggo sa Power Plant Mall.

Magkakaroon din sila ng mga campus tour kung saan magpapalabas ng mga lumang Cinema One Originals – “2 Cool 2 Be 4Gotten”, “Baka Bukas”, “Esprit De Corps”, “Every Room Is A Planet”, “Forbidden Memory”, “Lily”, “Malinak Ya Labi”, “Miss Bulalalacao”, “People Power Bombshell”, “Piding”, “Salvage”, “Si Magdalola At Ang Mga Gago”, at “Tisay”.

Ipapalabas din ang mga pelikulang, “Three Billboards”, “Outside Ebbing”, “Missouri”. Mayroon ding 13 na banyagang mga pelikula – “A Fantastic Woman”, “Before We Vanish”, “BPM (Beats Per Minute)”, “Call Me By Your Name”, “Good Time”, “L’Amant Double”, “Let the Sunshine In”, “Newton”, “On Body and Soul”, “Sweet Country”, “Thelma”, “The Third Murder” at “Zama”.

Mayroon ding 8 restored classics – “Asedillo” nina Jose Dagumboy and Bert R. Mendoza, “Cain at Abel” ni Lino Brocka, “Close Encounters of the Third Kind” (4K restored) ni Steven Spielberg, “Langis at Tubig” at “Karma” ni Danny Zialcita, “Moral” at “Karnal” ni Marilou Diaz-Abaya, at “Tag-ulan sa Tag-araw” ni Celso Ad. Castillo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here