CHIA SEED RECIPES

0
19

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Latest posts by Mia Salonga (see all)

Napag-usapan sa nakaraang artikulo ang mga kabutihang maidudulot ng napaka-powerful na chia seeds sa ating katawan. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan kung paano sila maisasama sa ating diet at beauty routine:

USE CHIA SEEDS AS A TOPPING

Magdagdag ng crunch sa yogurt o oatmeal sa pamamagitan ng pagsi-sprinkle ng chia seeds sa mga ito. Ang isang tablespoon ng chia seeds ay nakapagbibigay ng 5 grams ng fiber at 3 grams ng protein. Mayroon din itong magnesium, iron, calcium, potassium at omega-3s at 60 calories lamang ang mayroon ito.

MIX CHIA SEEDS INTO MUFFINS

Kung ikaw ay gumagawa ng pancakes, waffles, muffins, at homemade granola, ihalo ang chia seeds. Dahil sa neutral flavor ng chia seeds, babagay itong ihalo sa kahit anong pagkain.

BAKE CHIA SEEDS IN TO BREAD

Para makagawa ng gluten-free bread, paghaluin ang ¼ cup unsalted, roasted sunflower seeds kernels, 1 tbsp chia seeds, 1 tbsp caraway seeds, 1 tbsp sesame seeds at 1 tsp poppy seeds. I-set aside. I-dissolve ang 2 tbsps honey at 2 ¼ tsps yeast sa 1 ½ cups warm water sa isang medium bowl. Iwan nang limang minuto. Paghaluin sa large bowl ang 1 cup sweet white sorghum flour, ¾ cup potato starch, ½ cup cornstarch, 1 tbsp xanthan gum, 1 tsp baking powder, 1 tsp sea salt. I-beat gamit ang mixer na nasa medium speed hanggang maging blended. Idagdag ang seed mixture, yeast mixture, ¼ cup canola oil, 1 tsp white vinegar, 2 large eggs. I-beat sa low speed hanggang maging blended.

I-spoon ang batter sa 9×5 inch loaf pan na coated ng cooking spray. Takpan ng plastic wrap na coated ng cooking spray at hayaang umalsa sa mainit na lugar (85 degrees). Iwan ito ng 45 minutes o hanggang umalsa na ang dough sa ibabaw ng pan. I-preheat ang oven sa 375 degrees. I-bake sa 375 degrees sa loob ng 45 minutes o hanggang maging hollow na ang tunog ng loaf kapag tinapik. Palamigin muna sa loob ng sampung minuto bago ito alisin sa pan. Palamigin sa wire rack.

TURN CHIA INTO A SPREAD

Padaliin ang paggawa ng jam gamit ang chia seeds. Dahil sa binding power nito, hindi mo na kakailanganin ng pectin, konting sweetener na lang ang idadagdag. Para sa blueberry jam, maglagay lang ng konting tablespoons ng maple syrup o honey, ¼ cup chia seeds sa few cups ng blueberry. Haluin sa medium low heat hanggang mag-thicken. Puwedeng gumamit ng kahit anong prutas na gusto ninyo.

ADD ON BREADING FOR FISH, CHICKEN, VEGGIES

Idagdag ang chia seeds sa paboritong breading sa chicken, fish at vegetables para makagdagdag sa lutong at nutrients ng inyong pagkain.

INCLUDE IN YOUR BEAUTY ROUTINE

Hindi lamang para sa loob ng katawan ang kabutihang naidudulot ng chia seeds kundi pati na rin sa labas. Maaaring isama ang chia seeds sa inyong beauty routine. Maaari itong gamitin bilang exfoliant. Paghaluin lang ang ¼ cup coconut oil, 1 teaspoon lemon juice, 1 tablespoon chia seeds. Marahang i-scrub sa basang mukha gamit ang circular motion. Ibabad sa mukha sa loob ng dalawang minuto bago gumamit ng basang washcloth para alisin ito sa mukha. Mag-splash ng malamig na tubig pagkatapos.

 

SOURCE (ARTICLE):

https://www.livestrong.com/article/386524-how-to-use-chia-seeds-for-weight-loss/

http://www.health.com/health/gallery/0,,20930078,00.html#mix-them-into-muffins-and-more–0

http://www.myrecipes.com/recipe/five-seed-bread

http://www.spaindex.com/chia-seed-exfoliant/

SOURCE (IMAGE):

https://www.livestrong.com/article/386524-how-to-use-chia-seeds-for-weight-loss/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here