CAYETANO, BINASTOS SA INTERVIEW NG DAYUHANG REPORTER

0
82

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Ang Department of Foreign Affairs ay isang ahensya ng gobyerno na mayroong misyong “to promote and protect Philippine interests in the global community”(dfa.gov.ph) kaya naman ang DFA secretary ay mayroong napakahalagang obligasyon na ginagampanan.

Sa kasalukuyan ay si dating senador Alan Peter Cayetano ang naatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte upang maging secretary o kalihim ng DFA.

Sa mga nakalipas na buwan ay iba’t ibang bansa na rin ang pinuntahan ng nasabing kalihim upang maipabatid sa international community ang mga magagandang bagay na ginagawa ng gobyerno para sa Pilipinas. Lalo pa at napakaraming maling balita ang ipinapakalat ng oposisyon laban sa gobyerno o administrasyon sa international community.

At noon lamang Biyernes, October 6, 2017 ay nagkaroon ng exclusive interview si DFA secretary Alan Peter Cayetano sa isang programa ng AlJazeera, ang Upfront.

“Senior police officers admitting to executing suspects, planting evidence at crime scenes. Is it any wonder that the catholic church in your country has described your government’s drug was as a “reign of terror?Ito ang pambungad na tanong ng award winning British journalist host ng programa na si Mehdi Hasan.

Well, if you won’t believe the Filipinos, and won’t believe Philippine surveys, let’s believe American surveys. The Pew, they just came out with a survey that 78% of Filipinos support the crusade against crime, corruption, and drugs; 68% believe that the drug war is actually working. Why? Is it because we believe in human rights violations, we believe in killing people? No. The perception that was thrown to the international community was led by certain human rights groups associated with our opposition and associated with some people in the Catholic church, but they did not give the international community the correct facts, sagot naman ni Cayetano.

Matatandaang isa sa pinakamalaking kritiko ng Pangulo at ng kanyang war on drugs ay ang simbahang Katoliko. Saad naman ni Hasan ay isang US Assistant Secretary of State for Southeast Asia diumano mismo ang nagsabing: “We have a very sustained, deep concern that the drug war is operating outside the rule of law. The growing number of extrajudicial killings is troubling, we have raised those concerns.

Sagot naman ni Cayetano ay bias lang diumano ang US state Department, maging ang simbahang Katoliko sa Pilipinas. Diumano ay hinding-hindi susuportahan ng mga Pilipino ang human rights violation dahil masyado nating pinapahalagahan ang isang buhay.

Sa mga sumunod na pag-uusap ng dalawa ay tila naging napakabastos ng journalist sa DFA Secretary na ni hindi nito pinapatapos ang anumang sabihin ng huli.

At dahil nabuksan na din ang pag-uusap patungkol sa extrajudicial killings ay sinubukan ng kalihim na ipaliwanag ng maayos ang pagbabaluktot ng oposisyon at iba pang grupo na ayaw sa Pangulo sa terminong ginagamit.

The past administration changed the definition. They said it’s only extrajudicial if you’re a union leader, if you’re a religious leader. If you’re a journalist, if it’s ideological. So they started reporting 50, 100, 150. When Duterte came in, they went back to the old definition and anyone murdered or killed was charged against the drug war. But the opposite is happening in the country—you have 13,000 to 16,000 killings because of drugs, not because of the police or the drug war. Pagpapaliwanag ng kalihim.

Matatandaang ang numerong ito ang sinasabing fake news na ibinabalita ng media hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil ayon sa kapulisan ay 3800 lamang ang numerong maaaring ikabit sa legitimate drug operations.

Naitanong din ng journalist sa kalihim kung paanong nalaman na ang mahigit tatlong libong napatay ay mga drug dealer gayong hindi na naidaan pa sa paglilitis.

So you mean in the US or even in any country your show is shown, if someone pulls a gun on the police, they have to bring them to court first before they fire back? The police are doing what they can.Matatandaang ganito din ang paliwanag ng pangulong Duterte sa tuwing matatanong siya sa isyung ito.

Para sa mga nakapanood ng nasabing video ng programa ay isang malinaw na pambabastos ang ginawa ng journalist sa respetadong kalihim ng Pilipinas. Ni hindi man lamang pinagtatapos magsalita ang kanyang ini-interview ay sumasagot pa siya ng pabalang at tila nang-uuyam na lalong nakapagpagalit sa mga Filipino netizens.

“You’re not f****** listening to what our DFA secretary was saying… Respect our policy, respect our government officials. (@ Henley Quinn)”

“Most comments here that are against the current administration are either away in a foreign land that hasn’t visited our mother country for a long time. Or a bunch of richass hypocrites that really have no idea what it’s like out in the streets. So does this journalist who’s main focus is his fame(@ Roni Eleazar)”

Ilan lamang ang mga ito sa mga komento na matatagpuan sa mismong video na ipinost ng naturang programa.

Kung pakaiisipin nga naman ay hinding-hindi maiintindihan ng mga dayuhan ang kaibahan ng naturang gobyerno at pamamalakad nito sa mga nakaraang administrasyon dahil kahit kailan ay hindi nila naranasan ang mga dinanas ng mga Pilipino. Kaya naman hindi na nakapagtataka na mas pinahahalagahan ng Pangulo at ng kanyang administrasyon ang ‘sey’ ng mga Pilipino kesa ng mga dayuhang sinusubukan lamang makisawsaw sa mga nangyayari sa ating bayan.

“The views and opinions of the writer/s do not necessarily express the views and opinions of the site, organization, the management or the editor.” 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here