BEAUTY RECIPES WITH CUCUMBER

0
48

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Maraming amazing benefits ang cucumber. Ang flesh nito ay mayroong soothing ingredients tulad ng caffeic and ascorbic acids at ang balat ng cucumber ay mayroong variety ng minerals na nakaka-strengthen ng tissues. Maaaring pamilyar kayo kung gaano ka-effective ang pipino sa pagod na mga mata pero marami pang ibang beauty recipes mula sa cucumber.

CUCUMBER SKIN TONER

Ito ay magandang recipe para sa very mild at soothing skin toner na perpekto para sa mga araw na nagigising ka na medyo puffy ang balat.

INGREDIENTS:

½ cup chopped cucumber

2 tablespoons witch-hazel

2 tablespoons water

I-blend ang chopped cucumber (huwag alisin ang balat) kasama ang water at witch-hazel. I-strain ang mixture gamit ang fine sieve at ilagay sa sealed bottle, itago sa loob ng refrigerator. Ang resulta ay isang mabisang toner na nakakapag-tighten ng balat.

CUCUMBER AND GREEN TEA BODY SPRAY

Ito ay isang cooling body spray na nakaka-soothe ng balat at nakakatulong sa pagre-repair nito. Pinaghahalo nito ang antioxidant power ng green tea at skin care properties ng cucumber.

INGREDIENTS:

-1/2 chopped cucumber

-1 green tea bag

-rose essential oil

-1 tbsp. aloe vera gel

I-peel, i-puree at i-strain ang flesh ng pipino at ihalo sa cup ng chilled green tea. Idagdag din ang 1 tbsp ng aloe vera gel at isang drop ng rose essential oil. Haluin, ilagay sa spray bottle at itago sa loob ng refrigerator.

BLUEBERRY, OAT AND CUCUMBER MASK

Ito ang isang simple at mabisang cucumber face mask. I-blend lang ang lahat ng ingredients at i-apply bilang face mask.

INGREDIENTS:

-1/2 pureed cucumber

-2 tbsps. oats

– 1 handful blueberries

BLEMISH REMOVING CUCUMBER MASK

INGREDIENTS:

-1/2 chopped cucumber

-1 egg white

-1 drop rosemary essential oil

I-blend ang lahat ng ingredients. Kapag inilagay at ibinabad mo ito sa iyong balat sa loob ng fifteen minutes, mare-reduce nito ang blemishes ng balat.

EXFOLIATING CUCUMBER FOOT TREATMENT

Ang cucumber ay mabisang pampa-relax ng pagod na paa. Subukan ang cucumber foot mask, makakatuong ito sa paghe-heal ng blisters, pagla-lighten ng dark skin at pagre-rejuvenate ng paa.

INGREDIENTS:

-1 cucumber

-2 tbsps. olive oil

-2 tbsps. lemon juice

I-blend ang ingredients hanggang maging fine puree. Ibabad ang foot mask na ito sa loob ng sampung minuto.

REFRESHING CUCUMBER SKIN TONIC

Para sa mga panahong kailangang gisingin ang balat, ito ang simpleng cucumber skin tonic recipe.

INGREDIENTS:

-1 whole cucumber

-some fresh mint

I-blend ang ingredients, strain at palamigin ang tonic sa loob ng refrigerator. Ikaw ay magkakaroon ng refreshing, reinvigorating, natural skin tonic.

CUCUMBER AND EGG HAIR MASK

Gamit ang homemade, cucumber hair mask na ito, maaari pang ma-repair ang buhok na na-damage ng araw at pago-overuse ng heating tools.

INGREDIENTS:

-1 whole egg

-1/2 chopped peeled cucumber

-1/2 cup coconut oil

I-blend ang lahat ng ingredients. I-apply sa buhok at iwan sa loob ng tatlumpung minuto. Kung gagawin ito dalawang beses sa isang buwan, mabilis na maibabalik ang buhay ng iyong buhok.

CUCUMBER AND LEMON SHAMPOO

Kapag pinaghalo ang nourishing properties ng cucumber sa deep cleansing action ng lemon, magkakaroon ka ng mabisang shampoo para sa dry hair.

INGREDIENTS:

-1 peeled lemon

-1 peeled cucumber

I-blend ang ingredients hanggang maging smooth paste, hugasan ang buhok gamit ito at banlawang maigi. Simple pero napakaepektibo.

AVOCADO AND CUCUMBER FACE MASK

Bigyan ang balat ng treat gamit ang luxurious pero simple gawing face mask na mayroong avocado at cucumber.

INGREDIENTS:

-1/2 cup peeled avocado

-1/2 cup chopped cucumber

-1 egg white

I-blend ang ingredients hanggang maging smooth paste. Marahang i-rub sa mukha, at iwan ang mask sa loob ng sampung minuto.

 

SOURCES (ARTICLE):

https://www.beautyandtips.com/beauty-2/10-fabulous-beauty-recipes-with-cucumber/

http://www.care2.com/greenliving/13-ways-to-use-cucumbers.html

http://www.youbeauty.com/beauty/cucumbers-as-a-beauty-product/

 

SOURCE (IMAGE):

https://www.beautyandtips.com/beauty-2/10-fabulous-beauty-recipes-with-cucumber/

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here