Bagong Aabangan Tuwing Linggo Sa ASAP – Acoustic Group nina Kaye Cal, Moira, Zia, Isabela, Iñigo at Migz

0
72

Palagi naming inaabangan ang mga RnB singers at biritera queens sa ASAP tuwing linggo. Ngayon may bagong magandang aabangan sa ASAP tuwing linggo. Ang mga singers na mahilig sa acoustic. Ang mga rising singers na sina Kaye Cal at Moira dela Torre, ang “The Voice Teens” grand finalist na si Isabela Vinzon, ang teen sensation na anak ni Piolo na si Iñigo Pascual, anak nina Dolphy at Zsa Zsa na si Zia Quizon at ang singer na si Migz Haleco.

Ang pangalan ng kanilang segment ay ASAP Jambayan. Noong isang linggo lamang sila nagsimula. Nitong nakaraang linggo kinanta nila ang mga sikat na OPM na “Hanggang Kailan,” “Jeepney,” “Tabing Ilog,” “The Day You Said Goodnight,” “Sundo,” at “Torete.”

Nakikanta ang audience sa noontime variety show na ASAP dahil sikat ang mga OPM songs na kinanta ng anim. Halatang nag-e-enjoy ang mga ito at mukhang enjoy na enjoy din naman ang mga singers. Tuwang-tuwa ang mga fans ng mga singers na ito. Masaya sila dahil may aabangan na sila linggu-linggo.

Sa aking opinyon dapat mas bigyan nila ng importansya ang mga ganitong performances kaysa sa mga walang kwentang lip sync ng mga artista. Lalung-lalo na ‘yung mga sumasayaw na hindi naman sabay sabay. Nakakainit lang ng ulo at halatang mga hindi naman nakapag practice.

Mas masaya panoorin ang mga acoustic performances lalo na kapag katatapos lang kumain ng tanghalian o kaya ay habang nagmimiryenda. Para kang nasa isang bar tapos may bandang tumutugtog. Very relaxing at masaya dahil masarap sa tenga ang naririnig.

Very chill lang ang mga performances na ito at hindi katulad ng mga biritera. Maganda rin naman ang mga ganoon performances pero okay kung once in a while ay tahimik at hindi puro sigaw ang maririnig sa telebisyon.

Good job ASAP at ABS CBN for this one!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here