Ano ang dapat sundin, puso o isip?

0
51
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

    Sinasabing  sa pagmamahal, ang dapat na masunod ay ang puso.  Tama kaya na ang puso ang dapat na masunod? Kumbaga,  sundin ang, “The whispers of the heart at huwag ang what the mind says.” 

    Ano nga ba talaga ang sikreto ng  happiness sa lovelife? The Key of Happiness lies with the heart or with the mind? Ito ang laging tinatanong ng marami. Ito rin ang laging pinag-uusapan at pinagdedebatehan lalo na  ng mga kabataan. 

     Pero sa totoo lang, ang debate ay nauuwi lang sa walang katapusang palitan ng pananaw, wala namang nanalo at wala rin naman papatalo. May nagsasabi na  PUSO ang dapat na masunod , may nagsasabi rin na dapat ay  ISIP. Ang iba ay nakatunganga lang dahil ang  dalawang pananaw, sa totoo lang, ay the same na magandang basehan. 

Sa aktuwal na buhay , isa lang ang pwedeng  mangyari. Na ang The Heart ay mas makapangyarihan kaysa sa The Mind  or ang The Mind ay ang mga makapangyarihan sa The Heart.    

    May makikita rin naman tayo na ang puso ang sinunod pero may makikita rin tayo na ang isip ang pinakinggan.  Ang wala tayong makikita ay ang The Heart and The Mind ay sabay na naghari sa  isang nilalang.   

    Ano ba talaga ang totoo mangyayari? 

    Gamit ang kaalaman sa The Arts and Science of Palmistry, malalaman natin sa ngayon kung ano ba ang masusunod, Puso o Isip? 

    Kapag ang The Heart Line ay  nakitang malapit sa The Head Line (Nasa unang larawan)  tiyak na tiyak na ang pakikinggan ay ang bulong ng the Heart. 

    Kapag ang The Head Line ay nakitang malapit sa The Heart Line, ang isip ang pakiinggan.( Nasa ikalawang larawan.) 

    Sa ganitong kaalaman, maiiwasan ang walang katapusang pagdedebate dahil  ang  mangyayari ang mismong magsasabi ng kung ano ba ang magkakatotoo sa buhay ng isang tao. Mas maganda na mag-aral tayo na Palmistry dahil sa kaalaman lamang na ito’y malalaman natin ang  tunay na magaganap sa buhay ng isang tao. 

      Muli, inaanyayahan natin ang lahat na ipadala ang  photos ng palad ng  boyfriend.girlfriend o karelasyon at maging ang sariling  photos ng inyong palad ng sa ganun ay maunawaan ang  tunay na dahilan kung bakit at ano ang ikikilos kapag nagmamahal.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here