Angel Locsin: Anghel na ng kagandahan, superbait pa

0
35

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Sa Pilipinas, kahit pa gaano ka kagaling na artista kung mayroon ka namang masamang pag-uugali ay hinding-hindi ka magtatagal sa industriya.

Hindi gaya ng mga artista at singer sa ibang bansa na ang titingnan lamang ay ang talent, sa Pilipinas ay kailangan mayroon kang ‘complete package’ kumbaga.

Ito na marahil ang isa sa mga dahilan kaya ang isang Angel Locsin ay hindi maiaalis sa puso ng mga Pilipino.

Nagsimula siyang mag-artista sa batang edad at itinambal kay Richard Gutierrez bilang pinakasikat na loveteam ng Kapuso Network noon. Hindi mapantayan ang pamamayagpag ng kanyang karera kahit noong nas GMA 7 pa ang aktres.

Ngunit, kalaunan ay nangibang-bakod at lumipat sa Kapamilya Network ang aktres dahil na rin sa pagkakaroon ng hindi unawaan sa kanyang manager.

Marami man sa mga artista ang oras na lumipat ng istasyon ay bumababa ang level ng kasikatan ay iba si Angel. Marahil ay dahil hindi lamang sa tunay na magaganda ang mga ginagampanan niyang role ngunit dahil tunay na ibinibigay niya ang higit pa sa kung ano ang kanya niyang bigay para lamang makapagpasaya ng mga tao lalo pa ng kanyang mga tagahanga.

At kung sa mundo ng showbiz ay isang astig na aktres si Angel Locsin, pusong-mamon naman siya pagdating sa kanyang pinakamamahal na ama. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na matagal ng hindi nakakakita ang kanyang ama kaya naman sa tuwing nabubuksan ang usapan patungkol sa huli ay nagiging emosyonal ang aktres.

Nabanggit pa niya dati na masakit para sa kanyang kung iisipin ay hinahangaan siya ng napakaraming tao dahil isa siya sa may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz (ilang beses na siyang naging number sa mga listahan ng pinaka-sexy at pinakamagandang Pilipina) at isa sa pinakamagaling na aktres ng kanyang henerasyon (tila lang din siya nangongolekta ng mga parangal niya) ngunit hindi iyon kailanman makikita ng kanyang pinakamamahal na ama.

Hindi rin matatawaran ang mga charity works na ginagawa ni Angel Locsin kaya naman tinagurian siya ng marami bilang Angelina Jolie ng Pilipinas.

Bukod pa sa pagiging aktibo niya sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan ay aktibo din siya sa aktibo din siya sa pagsuporta sa Philippine National Red Cross o PNRC.

Sa tuwing madadaanan din ng kalamidad ang Pilipinas ay isa si Angel sa mga kauna-unahang celebrity na nagpapaabot ng kanyang tulong hindi lamang sa pinansiyal na aspeto kung hind imaging sa personal na pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Kaya naman nitong taon lamang ay hindi na nakapagtataka nang muntik ng sakupin ng grupong Maute ang Marawi ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang babae sa pagpunta at pagtulong sa mga kababayan natin doon.

Ngunit ika nga nila ay tunay na ‘crab mentality’ ang mga Pinoy dahil hindi lahat ay natuwa sa ginawa ng babae. For publicity lamang diumano ang nasabing pagtulong ng dalaga at hindi bukal sa kanyang kalooban ngunit pinabulaana niya ito sa isa sa kanyang post sa twitter.

“I can’t change the way people think or what they choose to do, but I can do my bit and focus more on helping those who are in need.”

Hindi na rin naman bago ang ganitong reaksyon ng mga ibang Pinoy o bashers ng aktres ngunit mas marami pa rin ang naniniwala sa kabutihang-loob ng dalaga dahil dati pa nga naman ay gawain na niya iyon.

Tunay ngang ‘she is living up to her name’ dahil tila siya isang anghel na bumaba sa langit upang umagapay sa mga nangangailangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here