Ang Totoong Alessandra De Rossi

0
16

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Sobrang pinag-usapan ang pelikulang Kita Kita na pinagbidahan nina Empoy at Alesandra De Rossi. Kumita ito ng 300 million pesos at siya ang highest grossing Independent Film sa Pilipinas.Isang bago at kakaibang kwento ng pag-ibig nga naman kasi ang ipinakita at ipinahayag ng nasabing pelikula para sa mga manonood at naging napakatotoo raw ng naging pagganap ng mga  bida sa kanilang mga karakter lalo na ni Alessandra De Rossi.  

Si Alessandra ay isang Filipina-Italian na dati ay mas nakilala bilang ang nakababatang kapatid ng dating sexy actress na si Assunta De Rossi. Nakilala rin naman si Alessandra dahil mahuhusay na pagganap sa mga  pelikulang The Maid, Homecoming at  Small Voices. Hindi na rin matatawaran ang mga parangal na natanggap ng dalaga sa ilang taong pagganap sa iba’t ibang karakter mapa-pelikula man o telebisyon.Ang isa sa pinakamaganda kay Alessandra De Rossi ay ang sinasabi nilang pagiging totoo at walang bahid ng pagkukunwari nito.  

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na kapag isa kang artista ay isa ka na ring public figure. Kaya naman halos lahat ng artista ay hirap na paghiwalayin ang kanilang mga personal na buhay sa kanilang pagiging artista. Kaya naman marami sa mga artista sa ngayon ang sinasabing plastik o nagpapanggap at nagkukunwari lamang na mababait kapag nasa harap ng camera.Ngunit, iba si Alessandra o mas kilalang Alex sa malalapit niyang mga kaibigan. Hindi siya ang uri ng artista na nagpapatianod sa kung anuman ang gusto ng mga tao na maging siya o nagpapanggap para lamang sumikat, mahalin ng mga tao, magkaroon ng maraming fans at malaking fan base. 

Totoo siya sa lahat ng kanyang mga sinasabi at ginagawa kaya naman nababansagan siyang may “attitude” dahil na rin sa kanyang pagiging prangka. Ngunit, para sa kanya ay nagpapakatotoo lamang siya sa kung ano siya at pinaninindigan lamang niya ang kanyang mga pinaniniwalaan. Sa edad na thirty-three, isa si Alex mga artistang hindi pumapayag na makipag-love scene sa kanyang mga pelikula o teleserye. Hindi rin siya pumapayag na magkaroon ng kissing scene not unless kailangan talaga sa eksena at sa paraang hindi bastusin. 

“Lagi sa aking sinasabi ng manager ko pag choosy ako sa projects, ‘Bakit ayaw mo gawin ‘to? Mars, dapat maging maingay ka, dapat relevant ka, pinag-uusapan ka, para may karapatan kang tumanggi.’ Sabi ko napaka-unfair naman ng mundo. But it’s true. If you’re there, pinag-uusapan ka, you have a fan base, may karapatan kang mag no, may karapatan kang mag-‘ay hindi po pwede sa image ko.’ Pero kung hindi ka naman sikat, anong pakialam nila sa image mo? Ako kasi may pakialam ako ever since.” Ito ang saad ni Alex sa isa niyang panayam sa isang sikat na magazine (Preview) hinggil sa diumano ay pagiging choosy niya sa mga tinatanggap na role. 

Isa pang magandang katangian ng dalaga ay ang kaniyang pagiging pasensiyosa. Hindi siya nagmamadali na magpakasal at magkaroon ng anak. Kahit pa nga gustong-gusto na niyang magkaroon ng supling ay gusto  niyang dumaan sa tamang proseso—kasal muna bago ang pagkakaroon ng anak. 

“I want a real family. If the right guy comes along tomorrow, that’s fine. But I want a marriage first. I don’t want to be a single mom. Ayoko ng maling proseso, saad pa niya sa isa sa kanyang mga interview noong July para sa kanilang pelikulang Kita Kita(philstar. com)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here