Ang sikreto kung bakit laging beauty si Bea Alonzo

0
16

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

“Gusto mo talagang malaman problema ko? Nasasaktan ako kahit alam kong wala na akong karapatan dahil naisip kong ako naman ang may gusto nito. Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sana ako pa rin. Sana ako na lang…sana ako na lang ulit.” Ito ang pinaka-hindi malilimutang linya sa pelikula ni Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom o mas kilala bilang Bea Alonzo sa pelikulang One More Chance.

Hindi lamang sa pelikulang ito tayo pinaiyak, pinatawa at pinakilig ni Bea maging sa mga karakter na kanyang ginampanan sa mga teleserye at pelikula gaya ng Kaytagal Kang Hinintay, It Might Be You, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Maging Sino Ka Man, The Mistress at marami pang iba. Bata pa lang ay malaking bulas na ang aktres dahil na rin sa kanyang dugong Briton mula sa kanyang ama kaya naman hindi na nakapagtataka na naitambal siya sa noo’y kilala ng artista na si John Lloyd Cruz.

Masasabing ang kanilang tambalan ay isa sa mga pinakaaabangan ng mga tao noon dahil na rin sa chemistry ng dalawa. Kaya naman naging sunod-sunod ang mga proyekto na pinagsamahan nila mapa-teleserye man o pelikula.

Iba sa mga loveteams ang tambalan nila ni John Lloyd dahil kahit kailan ay hindi sila nagkaigihan kahit pa napakarami na ng kanilang pinagsamahan. Noon man at magpahanggang ngayon ay iyon ang trend sa mga naglipanang loveteam sa Pilipinas: kapag magka-loveteam dapat nagde-date o dapat ay magka-relasyon para lalong tangkilikin ng mga tao. Ngunit,  iba ang dalawa dahil kahit may mga kanya-kanya pang mga karelasyon ay patuloy na namamayagpag  ang kanilang mga teleserye at pelikula.

Hindi na rin mabilang sa mga daliri ang natamong karangalan ng aktres dahil sa kanyang kagalingan sa pag-arte. At ang isa pang maganda sa kanya ay ang katotohanang kahit kanino pa man siya itambal ay tila siya isang chameleon na kayang mag-adapt at makipagsabayan dito.Pinatunayan niya ito sa kanyang mahusay na pagganap sa teleseryeng A Love To last kung saan ay itinambal siya hunk daddy na si Ian Veneracion. Naging napaka-successful ng nasabing programa na nagkaroon pa ng dalawang season mula January hanggang Sepember 2017.

Isa pang nakakamangha sa aktres ay hindi siya naging fan ng social media (specifically ng facebook account niya). “I don’t like the negativity. Moreover, it takes a lot of responsibility to have so many followers. I enjoy the spur-of-the-moment spontaneity of taking selfies and candid photos.”  

Ibinahagi niya ang kanyang sikreto para mapanatili ang kanyang ganda: “I have two: Inner peace and knowing myself. Always make it a point to feel good about yourself. Share love and happiness para ‘yun din ang bumalik sa’yo.” (yasss.inquirer.net) 

Isa ngang patunay si Bea na hindi mo dapat i-please ang ibang tao dahil kahit ano pa man ang gawin mo ay makakahanap at makakahanap sila ng masasamang ibabato sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here