Ang pinakamagandang katangian ng isang Kim Chiu

0
21

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

“Diyan tayo laging sumasablay Bogs, eh, sa kaya lang… Laging may kaya lang. Never naging simpleng mahal kita, Mae. ‘Yun lang naman ang gustong marinig ng kahit sino, di ba? Bakit di mo magawa sa akin yun? Bogs, walang namilit sa’yo..Walang nagmakaawa sa’yo. Sinabi ko lang naman sayo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago ‘yun. Bogs, sana lumayo ka na lang. Sana umiwas ka na lang, maiintindihan ko pa ‘yun. Pero syinota mo ‘ko, eh. Syinota mo ang bestfriend mo!” Ang linyang ito ay mula sa pelikulang Paano na Kaya? at isa sa pinaka-hindi malilimutang linya mula sa karakter na ginampanan ni Kimberly Sue Yap Chiu o mas kilala sa kanyang screen name na Kim Chiu.

Nakilala sa pagiging Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006. Mula noon ay sunod-sunod na ang mga proyekto ng aktres. Sa sampung taon mahigit niya sa showbiz ay masasabing isa siya sa mga top leading ladies ng Kapamilya network (ABS-CBN).

Ngunit isa sa pinaka-hindi malilimutang yugto ng buhay at karera ni Kim ay taong 2013 kung saan nasangkot siya sa kontrobersiya dahil sa pagkakaroon ng alitan sa kanyang bestfriend na si Maja Salvador dahil sa pagkakaroon ng relasyon ng huli sa dating nobyo ni Kim na si Gerald Anderson.Matatandaang nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa dahil na rin sa relasyon nina Maja Salvador at Gerald Anderson na tila nakasakit sa damdamin ni Kim.

Marami ang nairita sa naging reaksyon ni Kim ngunit marami rin naman ang nakaunawa. Sabi nga nila ay mayroong silent agreement ang mga babae na hindi mo pwedeng i-date ang ex ng iyong kaibigan. Maliban sa katotohanang napakaraming masasamang bagay na ang maaaring nasabi mo hinggil sa ex ng bestfriend mo ay sa kalaunan ay maaari pa kayong maipagkumpara sa maraming bagay. Kaya naman hindi na nakapagtataka na nagkaroon ng hidwaan ang magkaibigan.

“I’m happy for them pero parang nalungkot ako na ‘yung taong sinabihan ko noong time na down ako, eh, parang kinain niya lang yung sinabi niya.” Ito ang pahayag ni Kim sa isa sa kanyang mga interviews.

Ngunit, isang kahanga-hangang ipinakita ni Kim Chiu ay ang kanyang professionalism sa kabila ng “betrayal” at sakit na kanyang naramdaman ng mga panahon na iyon.

“Professionalism siguro, number one. And sa pagmamahal ko sa trabaho ko, kaya ganoon. It’s easy to forgive.. Siyempre madaling magpatawad, pero mahirap kalimutan iyong ginawa nila.” Ito ang saad ni Kim sa kanyang interview sa isang sikat na magazine. (cosmo.ph)

Ngunit, hindi lamang ang propesyonalismo ni Kim ang kamangha-mangha sa kanya kung hindi maging ang kanyang pagiging honest sa kung ano talaga ang kanyang nararamdaman.

Marami sa mga artista na kapag napunta sa ganoong sitwasyon ay magiging sobrang showbiz ang pahayag at sasabihin lamang na “Okay lang dahil break na kami”. Ngunit, sa ginawa ni Kim ay ipinakita niyang hindi lahat ng artista ay marunong um-acting in the midst ng isang kontrobersiya. Kaya naman ilang taon din niyang nilayuan ang mga taong nagpasakit sa kanyang damdamin. Ngunit, tulad nga ng sinasabi ng lahat, time heals all wounds.

Sa ngayon ay mas maganda na ang relasyon ng magkaibigan ngunit tila hindi na maibabalik pa ang dati nilang samahan. Sila naman ngayon ni Gerald ay okay na ang samahan, sabi nga ni Kim, okay na sa kanya ang nangyari. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang trabahong inatang sa kanila ng dating kasintahan. Sila kasi ang bida sa day-time teleserye na Ikaw lamang ang Iibigin.

SHARE
Previous articleSila ang mga kaawa-awang anak
Next articleHoroscope, Nobyembre 15, 2017
Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious things but is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here