Ang paniniwala ni Melissa

0
39

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Itong istorya na ito ay tungkol sa friendly friend kong hindi takot sa multo. Never daw siyang naniwala na mayroong ganitong nilalang kaya madalas niya akong pagtawanan noon, konting kibot kasi’y tumitili ako.  Ang friend kong ito ay nagngangalang Melissa, sobra ang tapang niya pero isang araw, ang paniniwala niyang walang mumu ay nasubukan nang lumipat siya sa isang dormitoryo. Kasama niya ako noong maglipat siya at ako’y nakaramdam ng kilabot. Para ngang gusto kong sabihin sa kanya na sa iba na lamang tumira ngunit alam kong pagtatawanan lang niya ako kaya nagsawalang kibo na lang ako. Gayunman, talagang hindi ko maiwasan ang mangilabot.  

Napansin ng landlady ang malikot kong mga mata, alam ko kasing may kakaibang nangyayari sa paligid na hindi ko maunawaan. Basta ang alam ko, gusto kong tumakbo palayo sa lugar na iyon kaya lang hindi ko magawa. Ayoko siyempreng maakusahan na hindi tunay na kaibigan. Never akong mang-iiwan. Kaya, para mawala na sa isip ko ang tungkol sa multo-multo, binalingan ko na lang ang landlady na nagngangalang Aling Sonia.  

“May nararamdaman ka ba?” tanong nito sa akin. Hindi ko pa nasasagot ang tanong niya, ikinuwento na niya sa akin na may isa siyang tenant na nagfpakamatay at kapag may bago raw na nagpupunta roon ay nagpaparamdam. Narinig naman ni Melissa ang sinabi ng matandang babae pero nagtawa lang ang aking kaibigan sa panggigilalas ni Aling Sonia.  

“Ang multo po ay guni-guni lang. Hindi totoo ang multo. Huwag n’yo pong takutin ang sarili ninyo dahil ako, hindi ako natatakot,” matapang na sabi ng aking kaibigan. Pagkaraan, buong yabang pa niyang sinabi na maniniwala lang siya sa multo kung makakakita siya ng multo.  

Kung matapang si Melissa, ako ay hindi kaya naman iyon na ang una at huli kong tapak sa dormitoryo na iyon. Sobra kasi ang bigat na aking nararamdaman. Nai-imagine ko rin na nakamasid sa aking ang sinasabi ni Aling Sonia na nagbigti dahil sa pag-ibig.  

Kahit na kakahiwalay ko pa lang noon sa tatay ni Glaiza, hindi ko naisip na magpakamatay. Naniniwala kasi ako na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, hinding-hindi maaaring maging sapat na kabayaran ang iyong buhay. Ngunit, may mga tao talaga na hindi kayang hawakan ang kanilang emosyon kaya kahit alam nilang mali, nagawa pa rin nilang kitilin ang sariling buhay.  

“Naniniwala na ako sa multo.” 

Gilalas akong napatingin kay Melissa.  

“Nakita ko ang babaeng iyon na pumasok sa cr.” 

“Sinong babae?” 

“Si Camille. Nagpakita siya sa akin. Nakita ko ang leeg niya, may bakat ng lubid tapos bigla siyang nawala.” 

Hindi ko makuha ang magtawa o magsabi kay Melissa ng I told you dahil alam kong hindi biro ang kanyang naranasan. Talaga kasing may mga kaluluwang kahit na hindi na dapat kabilang sa mundong ito ay patuloy pa ring gumagala. Ang dahilan nila, hindi pa tapos ang paghihirap nila. O noon lang nila na-realize na hindi naman talaga nila gustong magpakamatay. Talaga lang nag-black out ang kanilang isipan ng magpaalam sila sa mundo ng buhay.  

Kaya ikaw, huwag na huwag kang magpapakamatay. Anuman ang iyong pinagdaraanan, maaayos din ‘yan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here