Ang pagbangon ni Nikki Gil sa kabiguan

0
30

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Umibig, nasaktan at nag-move on — ito ang kuwento nang pagbangon ng singer/host/vj/actress na si Monica Pauline Gil o mas kilala sa pangalang Nikki Gil.

Nakilala at sumikat si Nikki Gil sa commercial ng softdrinks kung saan habang siya ay umaawit ay namimigay siya ng inuming ito sa bawat taong kanyang madaanan. Pagkatapos, nabigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng album kung saan naging hit ang kanyang mga awiting “Sakayan ng jeep” at “Glowing Inside”.

Nang mga sumunod na taon ay naging mainstay siya sa music channel na MYX bilang isang VJ. Nabigyan ng mga supporting roles sa mga teleserye at maging cameo roles sa mga pelikula ng Star Cinema na gaya  ng One More Chance. Higit sa pagiging magaling na singer, actress at VJ, hindi matatawaran ang kanyang pagiging isang mabuting babae dahil na rin nagawa niyang respetuhin ang kanyang sarili. Anim na taon niyang naging nobyo ang Fil-Am na si Billy Crawford at noong 2013, naghiwalay sila ni Billy Crawford dahil ‘confused’ ito sa nararamdaman.  Isa iyong hindi malilimutang pagkakataon sa mundo ng showbiz. Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na maghihiwalay ang dalawang tinatawag na power couple?

Matagal bago nagsalita ang aktres sa kung ano ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, hinintay muna niyang makapag-move-on bago ilabas ang kung anuman ang totoong naganap sa pagitan nila ng dating nobyo. Sa kanyang exclusive interview ng Cosmopolitan magazine kung saan siya ang cover para sa December 2013 issue nila ay binigyan niya ng tuldok ang lahat ng espekulasyon ng mga tao hinggil sa paghihwalay nila.

“There were always a lot of warnings, but I chose to ignore them—I couldn’t wrap my head around the fact that it could be done to me. You just brush it under the rug, until one day, it all blows up in your face.” Ito ang kanyang saad na nagpapatibay sa hinala ng marami na third party nga dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Marami man ang naawa sa kanya ay marami din ang tumuligsa, sa kasamaang palad. Diumano, maaaring ang dahilan ng pambababae ng kanyang nobyo ay ang pagiging konserbatibo ni Nikki Gil.

Sabi ng ilan, ‘lalake lamang si Billy’ kaya hindi maiwasan na maghanap ng kaligayahan sa piling ng ibang babae. “Nobody told me to stay a virgin, or because I’m a stuck-up prude na holy-holy. It’s my choice. I’ve always been ma-pride—if sex is something that I value..” Dagdag pa niya sa naturang exclusive interview ay inakala niya na naiintindihan ng nobyo ang kanyang pinaniniwalaan at pinaninindigan ngunit mali pala ang kanyang akala. “In hindsight, thank you! Thank you, people around him, for causing this to happen, because if it didn’t, it would have lasted longer. The scary thing, knowing what I know now, is I would have said yes to his insincere offers of marriage!”

Kung pakaiisipin ay isang napakahirap na proseso ang pagmo-move on lalo pa at ganoon katagal ang naging relasyon nila ng dating nobyo. “Sabi nila, ‘when you know what you deserve, you don’t look back.’ ..I don’t like looking back. I just want to move forward. I’m done with that. I think I’ve wasted enough time and energy on it. And, okay na ako. Parang tama na, okay na ako. Things have been said, and things have come out. It is what it is, so Im.. Hands off na ako diyan,” saad ng dalaga sa isang interview sa kanya ng kapamilya network. “For me everything happens for a reason. Kung anuman ‘yon, I’m thankful that it happened because it saved me from the past, and now I can move forward and meet the person that was destined to be with me.”

At makalipas lamang ang dalawang taon ay natagpuan na niya ang lalakeng tunay na nakalaan para sa kanya. Ikinasal siya sa isang businessman at restaurant owner na nagmula sa isang respetadong pamilya, si BJ Albert. “You’ve quickly become my everything, and I’m sometimes left wondering how I could have possibly done without you all those years. There are days when I wish I’d known you earlier, but I know God makes all things beautiful in His time.” Ito ang makabagbag damdaming wedding vow ni Nikki para sa kanyang asawa. Hindi man tulad ng pinangarap niyang long time at first bouyfriend bago naging asawa ay hindi naman maikakaila na hindi matawaran \ ang kaligayahan ng aktres sa piling ng kanyang “right and Godly man”.

SHARE
Previous articleDahilan kaya marami ang nagpapakamatay
Next articleHoroscope, Nobyembre 8, 2017
Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious things but is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here