Ang nalalapit na pagtatagpo nina Pangulong Duterte at US President Donald Trump

0
28

SA Asia Pacific Economic Cooperation (Apec) summit sa Vietnam ay magtatagpo sina President Rodrigo Duterte at United States (US) President Donald Trump.

Natural lamang naman talaga na magkita ang presidente ng iba’t ibang bansa sa Apec ngunit para sa nakararami, ang pagtatagpo nina President Duterte at President Donald Trump ay kaabang-abang. Paano ba naman kasi, masyadong kilala ang dalawang presidente na ito na maraming pagkakapareho sa ugali. Kung atin ngang sila ay susuriin, pareho silang hindi makaramdam ng takot. Gagawin nila ang lahat ng paraan para mapabuti ang kanilang bansa. Tiyak din na hindi nila iintindihin ang mga kumokontra sa kanilang pamamalakad, after all, sila ang presidente.

Pasensiya na kung may paghanga man akong ‘di maiwasang ibigkas sa nalalapit na pagtatagpo nina P-Digong at Pres. Trump, talaga lang kasing may paghanga akong nararamdaman sa kanila. Sa palagay ko nga dahil sa may mga pinagkakasunduan silang bagay, kapag nagsanib puwersa sila, siguradong magiging matagumpay sila.

Sabi nga ni Foreign Affairs Assistant Secretary Leo Herrera-Lim, napakalaki talaga ng tsansa na magkita ang dalawa. Siyempre, nasa iisang lugar lang naman sila kaya talagang magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon sila ng bilateral meeting. Pupuwede pa ngang sila ay magkaroon ng sariling meeting dahil may mga bagay talagang sila ay pinagkakasunduan. Maaari nilang pag-usapan ang national security sa  buong lalawigan o buong Pilipinas. Dahil nga sa gusto rin nilang umunlad ang bansa, siyempre, gusto rin nilang mag-improve ang mga sasakyan.

Kaya naman hindi pa nga sila nagtatagpo, nakakaramdam na ako ng excitement, alam ko naman kasi na wala namang gusto ang mga presidenteng ito sa kanya-kanyang mga bansa na paglilingkuran kundi ang maibigay ang the best para sa kanilang bayan. Nagkataon lang talaga na mas maraming aayusin sa Pilipinas. Magkaganoon man, nakaka-excite pa rin talaga na maaari tayong magkaroon ng pagkakataon para maging bansa tao na talagang mayroong ipagmamalaki. Kaya nga naman sa susunod na taon, hindi na talaga maaari ang mga jeep na malalakas magbuga ng usok sa tambutso. Ibig kasing sabihin nito ay maaaring magkaroon ng sakit ang publiko. Siyempre, marami ang tumutol sa patakaran ni Pangulong Duterte ngunit alam naman nating lahat na ang desisyon niya ay hindi mababale. Kaya sigurado akong wala ring magagawa ang mga kumokontra sa kanya kundi ang sumunod.

Gayunpaman, alam kong sa kanilang pagtatagpo, hindi lang ang mga ‘yan ang mapag-uusapan nina Pangulang Duterte at US Pres. Donald Trump, kaya hindi ko maiwasan ang ma-excite.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here