Ang mga taong sweet ang masarap mahalin

0
132
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Paano ba ang paglikha ng the best perfume from a flower?

Kapag lovelife ang pag-uusapan, ang lahat ay nangangarap na ang kanilang makakarelasyon ay iyong sweet o the sweetest of all. Sa kuwento ng Snow White ang tanong ng Reyna sa mahiwagang salamin ay ‘Who is the Fairest? 

Hindi na natin sasagutin kung ano ang reply ng  The Magic Mirror sa Reyna dahil ang pagtutuunan natin ng pansin ay  kung paano ba malalaman ang The Sweetest Of All?

Ganito ang sabi, “The flower that is  more bruised brings forth the sweetest scent.”  Sinasabi nito na ang babaing nakaranas ng sakit sa pag-ibig ay siya ang magiging lover na sobrang sweet.

Ang mga babaing  hindi pa nasasaktan kahit kailan ay malalaki ang ulo, mayayabang at mapagmalaki dahil labis ang tiwala sa sarili. Akala nila’y wala silang katapat pero ang hindi nila alam, sila ang pinakawalang kuwentang pag-ukulan ng pagmamahal.

Dahil sa katotohanang ito  tungkol sa buhay ng bawat tao lalo na sa  larangan ng pagmamahal at pakikipagrelasyon,  ibabahagi natin sa ngayon ang kaalaman sa The Arts and Science of Palmistry  kung paano ba malalaman ang “The Sweetest Of Them All.”

 

Kapag ang The Heart Line ay kinakitaan ng mga  island at sinundan  ng putol-putol na bahagi pero sa  dulo ng The Heart Line ay  normal na o  maayos na ang guhit o walang mga abnormalities (tulad ng nasa larawan) Siya ay masarap magmahal.Na ang ibig sabihin, siya ay nakaranas ng masasaklap at masakit na kabiguan pero sa huli ay  magiging maaayos na ang kanyang lovelife at ang  walang kapantay na kaligayahan sa mundo ng pagmamahalan ay mapapasakanya na dahil sa siya,  tulad ng nasabi, ay ang magiging the sweetest.

Kumbaga, ang mga nabigo, nasaktan, umiyak, iniwan at minaltrato ay marami ng natutuhan sa buhay pero nagawang  muling magmahal at ibilang sa mga bibihira at iilang napakasarap mahalin. Samantala, ang mga  hindi pa nabigo at hindi pa nasaktan sa love ay nagsasabing ang pag-ibig ay napakahirap maunawaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here