ANG MGA PROVEN HEALTH BENEFITS NG AVOCADO

0
26

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Latest posts by Mia Salonga (see all)

Ang avocado ay may pagka-unique na tipo ng prutas. Karamihan kasi sa mga prutas ay primarily consists ng carbohydrates habang ang avocado ay mataas sa healthy fats. Ayon sa mga pag-aaaral marami itong powerful beneficial effects sa kalusugan.

CARDIOVASCULAR HEALTH

Ang avocado ay excellent source ng monounsaturated oleic acid. Ayon sa mga research nire-reduce nito ang dangerous LDL cholesterol sa dugo habang ini-increase ang HDL cholesterol. Napag-alaman din sa mga pag-aaral na ang pagkain ng avocado ay nakaka-decrease ng high blood triglyceride levels, isa pang common predictor ng cardiovascular problems.

Mataas din ang levels ng vitamin E sa avocado na nakakatulong sa pag-prevent ng cholesterol oxidation habang ang potassium ay nakaka-regulate ng high blood pressure na maaaring mag-lead sa parehong heart disease at kidney problems.

Excellent source din ng folate ang avocados na nakakatulong sa pagre-reduce ng homocysteine levels sa dugo, isa pang predictor ng heart disease. Ang folate ay napakahalaga para sa mga buntis.

Ang wonder fruit na ito ay mayroon ding phytosterols na nakakapag-reduce ng cholesterol absorption at mayroon ding significant amount ng dietary fiber. Ang fiber content ng avocados ay nagmo-moderate ng blood sugar levels, gumagwardiya laban sa cardiovascular problems at diabetes at nagpe-prevent ng constipation.

CANCER PREVENTION

Ang avocados ay magandang source ng antioxidant carotenoids tulad ng alpha-carotene, beta-carotene, beta-cryptoxanthin, lutein at zeaxanthin. Ang mga antioxidants na ito ay pinoprotektahan ang katawan laban sa cancerous changes dulot ng free radical damage. Ang mga ito rin ang frontline ng defense laban sa mga sakit.

Ang monounsaturated fats sa avocado ay nakakatulong sa carotenoid absorption at ayon sa mga pag-aaral, mayroon itong protective effect laban sa breast cancer.

Ang avocados ay mayroon ding mataas na levels ng vitamin C at vitamin E na potent anti-cancer antioxidants.

Ang vitamin C ay protective laban sa mga non-hormonal cancers tulad ng pancreatic cancer, stomach cancer at lung cancer. Ang vitamin E deficiency ay may link sa breast cancer at ayon sa mga pag-aaral, nagkaroon ng dramatic reduction sa breast cancer nang magkaroon ng higher intake ng vitamin E lalo na sa mga babaeng may family history ng disease.

Ang natural tocopherol at tocotrienol form ng vitamin E na matatagpuan sa avocado ay healthier sa isolated alpha-tocopherol na matatagpuan sa multivitamins.

AVOCADO FOR DIABETES

Ang diabetes ay isang sakit na umabot na sa epidemic proportions at pinaniniwalaang mayroong significant number ng undiagnosed sufferers. Ang mga common symptoms ng undiagnosed diabetes ay ang biglaang pagkauhaw, pagkagutom at madalas na pag-ihi. Ang tuyong bibig, pagpayat na hindi maipaliwanag, problema sa paningin at sakit sa binti ay kasama rin sa common symptoms.

Kung nararanasan ang alinman sa mga ito, mabuting kumonsulta na sa doktor para sa simpleng diabetes test. Para sa mayroon nang diabetes, ang oleic acid sa avocado ay especially recommended para sa abilidad nitong i-lower ang ‘bad’ LDL cholesterol habang nire-raise ang ‘good’ HDL cholesterol. Ang pagmo-monitor sa cholesterol levels ay importante sa diabetics dahil mayroon silang higher risk sa cardiovascular disease.

Ang pagkakaroon ng monounsaturated fats sa diabetic diet ay beneficial para ma-reduce ang high triglyceride levels na nakakatulong sa pagi-improve ng insulin function at blood glucose levels. Ang high levels ng potassium sa avocados ay isa pang importanteng nutritional factor sa diabetics dahil sa role ng mineral sa pagme-maintain ng healthy heart at pagre-regulate ng blood sugar.

ARTHRITIS TREATMENT

Ang osteoarthritis ay masakit na kondisyon dulot ng pamamaga ng joints. Maraming common na pagkain tulad ng wheat, corn, milk, sugar na nakaka-worsen ng symptoms. Pero ang anti-inflammatory avocado ay isa sa mga konting pagkain na nakaka-reduce ng arthritic pain.

 

SOURCES (ARTICLE):

https://www.healthline.com/nutrition/12-proven-benefits-of-avocado#section1

https://www.medicalnewstoday.com/articles/270406.php

https://www.organicfacts.net/health-benefits/fruit/health-benefits-of-avocado.html

http://healthiestfoods.co.uk/health-benefits-of-avocado

SOURCE (IMAGE):

https://www.organicfacts.net/health-benefits/fruit/health-benefits-of-avocado.html

SHARE
Previous articleOpinyong Bulok
Next articleCariño Brutal: Ang Kalbaryo ng mga Inaabusong Kababaihan
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here