Ang malambot na puso ni Heart Evangelista

0
32

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

G-mik, Trip, Ang Tanging Ina, My First Romance, Berks, Hiram, Ariba-Ariba, Codename: Asero, Luna Mystika, at Dwarfina. Ilan lamang ang mga tv program at pelikulang  ni Love Marie Payawal Ongpauco o mas kilala bilang Heart Evangelista. Edad trese nang magsimula siya bilang commercial model. Naging ka-loveteam niya sina John Pratts, Geoff Eigenmann at Jericho Rosales.  

Ang amang si Reynaldo Evangelista Ongpauco nagmula sa isang Chinese-Filipino na pamilya at ang ina naman na si Maria Cecilia del Gallego Payawal ay nagmula sa isang pamilya na nagmamay-ari ng isang malaking plantasyon ng tubo sa Camarines Sur. Sa madaling salita ay nagmula si Heart sa mayamang pamilya ni Heart. Ngunit, hindi ito naging dahilan upang umasa na lamang siya sa kung ano ang kayang ibigay sa kanya ng kanyang pamilya, bagkus ay nagsumikap siya na makilala sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsusumikap. Sa ngayon nga ay hindi na lamang siya aktres at maybahay ni Sen. Chiz Escudero, isa rin siyang certified visual media artist o painter.  

Taong 2014 nang simula siyang magkaroon ng art exhibit sa Ayala Museum sa Makati.

Nagkaroon din siya ng line ng mga hand painted bags na ini-anunsyo ng Setyembre ng nakaraang taon na magkakaroon ng exhibit. At hindi basta-bastang mga bag ang mga pinintahan niya dahil 40 Hermes, Birkins, Kellys at iba pa ang brand ng mga naturang bag.At kamakailan nga lamang ay ini-anunsyo niya ang kanyang sariling brand—ang Maison Love Marie sa kanyang Instagram account.  

“I am working on two major things: my home line plates and candles, and my clutch line, which is gonna be so nice! I am designing everything we are making things happen. I’ve been working on this for almost two years now. It’s not easy, but I want quality. I am already looking for an office and starting to hire more people to help me out. This is it! It’s going to be a company, and I think this is the best decision I have ever made.” Ito ang saad ni Heart ng ma-interview siya ng isang sikat na magazine sa bansa. (Preview) 

Ngunit, higit sa lahat ng ito ay mas nakakaantig ng damdamin na sa kabila ng karangyaan ng kanyang buhay ay mayroong busilak na puso ang isang Heart Evangelista na makatulong sa kanyang kapwa. Mayroon siyang foundation na tinatawag na HEART CAN na naglalayon na matulungan ang mga bata, lalo pa ang mga mayroong respiratory diseases. Spokesperson din siya ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS, masugid din siyang tagasuporta ng Balikatan Thalassamei para sa mga batang mayroong mga kakaibang sakit, Corridor of Hope at maging ng Cerebral Palsy Association ng Sorsogon. (Wikipedia)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here