Ang magkapatid na Allan at Joseph

0
74

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

No classes ang mga estudyante today, mga katsismosa, kaya hindi ako magtataka kung may mga bata man akong nakikitang naglalaro sa kalye namin sa Limay subalit sa palagay ko, may pasok man o wala, hindi ko sila makikitang naka-uniporme. Sabi nga ng magkapatid na Allan at Joseph, hindi naman sila nag-aaral. Walang pampaaral sa kanila ang kanilang nanay. Iniwanan kasi sila ng tatay nila para sa ibang babae.  

Malalim na buntunghininga ang pinawalan ko. Hindi ko kasi maiwasang makaramdam na naman ng inis sa iresponsableng lalaki tulad ng ama  ng mga batang ito. Marunong kasing gumawa ng bata, hindi naman responsable. Sobrang nakakainis, hindi ba? Nabuti na lang at faithful sa akin si Dhie ko.  

“Ano ba ‘yan?” tanong ko nang mapansinin ko ang karton na hila-hila nila. Tapos mayroon pang parang trolley ngunit sa halip na bag ang nakalagay, karton. Kaya naman hindi napigilan ng kapit bahay kong si Tita Resty na usyosohin ang kanilang mga dala. Mga plastic na bote tulad ng c2, royal at coke.  

“Ibebenta po namin para may pangkain.” 

Hindi agad ako nakakibo. Para kasing nilapirot ang puso ko. Sa tingin ko ay nasa sampu at walong taong gulang lang sila. Dapat hindi pa sila humaharap sa mga problema. Dapat ay pag-aaral at paglalaro lamang ang kanilang inaasikaso. Kaya lang, parang napakaimposibleng mangyari iyon dahil hindi sila kayang suportahan ng kanilang ina. Tapos, wala pa silang ama.  

Ang kanilang ina raw ay nagtitinda-tinda lamang ng sago’t gulaman saka sapin-sapin. Kaya, kapos na kapos pa rin sila sa kanilang pang-araw-araw lalo na’t mayroon silang barung-barong na inuupahan. Nang rumehistro uli sa aking utak ang sinabi nilang ang napupulot nilang plastik na mula sa basurahan ay ipambibili nila ng makakain, bigla kong naisip na ayain sila sa tindahan ni Ghing para pakainin. Gusto ko sana silang kuhanan ng larawan ng mga sandaling iyon pero naisip kong baka ma-offend o matakot sila. Saka, pa lowbat na rin ang aking cellphone noon kaya naisip ko na lang na pagmasdan sila.  

Marami sana akong gustong itanong sa kanila pero ayokong istorbohin ang kanilang pagkain kaya naman nanatili na lang akong nakatingin sa kanila. May panghihinayang akong naramdaman. Sa tingin ko kasi ay matatalino naman sila ngunit wala silang nagagawa para mapaganda pa nila ang kanilang buhay. Hindi sila nakakapag-aral.  

Naisip ko tuloy, paano kapag nagkasakit sila? Siyempre, hindi ko naman iyong gustong mangyari kaya lang, lahat naman ay maaaring mangyari at kung mangyari iyon, paano sila? Kung wala silang pera, makakagawa ba ang ina nila ng paraan para makabili ng gamot. Nakakaawa naman kaya parang gusto kong maiyak ng mga sandaling iyon. Naisip ko kasi na hindi pa rin kami ang pinakakaawa-awang nilalang. Dati kasi iyon ang tingin ko sa kalagayan namin ni Glaiza ngunit na-realize ko na mapalad pa rin kami dahil may mga taong handang tumulong sa amin — ang aming pamilya. Kaya, dalangin ko na hindi pabayaan ni God ang mga batng ito at sana rin ay may mga mabubuting puso na tumulong sa kanila.

PhilippineOne has begun the process to build a home for street children in Bacolod City and has created PhilippineOne Foundation Inc.  We expect the home to be fully functional by February 2018.  If you would like to know more or wish to help, please contact us at info@philippineone.com.  Salamat!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here