ANG KWENTO NG BUHAY PAG-IBIG NI JEWEL MISCHE

1
73

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Isang kwento na puno ng pag-asa at pag-ibig ang buhay ng aktres na si Jewel Fatima Avejade Mische o mas kilala sa tawag na Jewel Mische.Hindi lingid sa kaalaman ng marami na matagal ding nakarelasyon ng aktres ang aktor na si Richard Gutierrez at ang huling showbiz relationship niya ay si Jason Abalos.

Maraming palabas na rin at role ang ginampanan ng aktres ngunit tila mas tumatak sa isip at puso ng mga tao ang kanyang pangalan ng i-anunsyo niya ng taong 2015 na engaged na siya sa kanyang non-showbiz at American boyfriend na si Alister Kurzer. Matatandaang sinabi ni Mische sa isang interview na nakilala niya sa isang testimonial site ang kanyang asawa at nagkita sila sa isang church gathering. Isa sa pinaka-nakakamangha sa kanilang pag-iibigan ay ang kagustuhan nilang e-enjoy ang kung anumang mayroon sila ng walang physical intimacy.

Ayon kay Jewel ay si Alister pa mismo ang nagsuhestiyon na mag-‘no’ sila into pre-marital sex. “That’s just one of the many confirmations that he is the future husband I have dreamed of. We both have the same biblical mind-set. We view sex as a priceless treasure box and as God’s wedding present,saad pa ng aktres.

Ibinahagi rin niya na ang kanilang first kiss ay ng nasa altar sila, matapos ang kanilang exchanging of vows. “Waiting to kiss makes this much more attainable! I know it seems absurd and ridiculous but it’s true! Dagdag pa niya.

Tunay na nakamamangha ang ganitong uri ng mindset ng dalawang taong magkarelasyon sa loob ng mahigit dalawang taon. Sa uri nga naman ng lipunan na mayroon tayo ngayon ay tila nga napaka-imposible ng mangyari ang ganitong sitwasyon ngunit pinatunayan ni Jewel na possible at kayang-kayang magawa basta’t mayroon kang pananalig sa Diyos.

Sa ngayon ay ine-enjoy pa rin ng aktres ang pagiging isang butihing misis sa kanyang asawa at ine-enjoy lang muna nila na sila lang munang dalawa.Hindi man aktibo sa showbiz dahil namamalagi na sa Amerika ay aktibo naman siya sa pagpo-post sa kanyang Instagram account kung saan ay nagpo-post siya ng mga inspirational, quotes, testimonials, verses at maging experiences niya at ng kanyang asawa.

When we were boyfriend and girlfriend (engaged), Alex and I had a lot of ‘boundaries’. It wasn’t easy all the time and we had challenges, but we just tried our best to avoid temptations. We had to find ways to show affection toward each other, and demonstrate our love in a non-physical way. It made our relationship stronger, gave us more opportunities to focus on learning each other’s character, habits, qualities and along the way learned some flaws and shortcomings as well. It also cultivated our friendship, which is essential in a romantic relationship. I could say we got the maximum potential out of our relationship.Ito ang saad niya sa isa sa kanyang mga post sa Instagram.

Kung disin sana ay ganitong uri rin ng pag-iisip mayroon ang kabataan ngayon, disin sana ay mas lamang ang long-term at deep relationships kumpara sa mga pa-fling-fling lang.Dagdag pa niya ay bibihira man ang mga lalaking katulad ng kanyang napangasawa ay tunay naman na mayroon pa ring natitira.

We have always believed that sex is God’s wedding present. And because we waited, it made our wedding beyond kilig! ( the wedding, the anticipation for that  NIGHT and our honeymoon!!!) Can’t describe it enough! It was spectacularly more special and meaningful—totally off-the-charts specialness!!! #WhenGodWritesYourLovestory Yes ladies. Men like Alex still exist.

Ang kanyang naging buhay at karanasan sa larangan man ng buhay o pag-ibig ay tunay na nakapagbibigay at nakapagdudulot ng pag-asa at pag-asam para sa mga kabataan.

SHARE
Previous articleHoroscope, Oktubre 12, 2017
Next articlePALMISTRY  10: Destiny, totoo ka nga ba? 
Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious things but is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here