Ang kahulugan ng 777 sa panaginip

3
289
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 63

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Gemma, tungkol sa numbers o sa mga numero.

Dear Maestro, 

Magandang araw po sa inyo. Ano po ba ang ibig sabihin or ano po ba ang pinapahiwatig ng panaginip ko na tatlong numerong 777? Antok na antok na po ako noon, tapos napanaginipan ko ang nasabing mga numero. 

KASAGUTAN:

Sa  makaluma o pang-tradisyunal  na interpretasyon sinasabing suwerte ang panaginip na numbers o mga numero, dahil ito  ay nangangahulugang “maraming-maraming pera at maraming-maraming salapi.”

Nangyari, dahil kapag sinuri mo, maiisip mo “ang pera ay nalikha dahil sa number”. Kung walang numero o halagang naka-imprenta sa pera, walang kabuluhan ito. Ibig sabihin ang pinaka-kaluluwa ng pera kaya siya nagkakaroon ng value o halaga ay dahil sa “numero” kaya nga kapag nanaginip ka ng numero, ito ay nangangahulugang “pera.”

Ganon din ang “tseke” na papel na pinapalit sa bangko para maging pera. Wala ring kabuluhan ang “tseke” kung wala itong nakasulat na halaga o numero, dahil tulad ng aktuwal na pera, maging barya man o papel, ang “tseke” ay pera rin mismo na nagkakabisa lang sa pamamagitan ng numero, o ng halaga na nakasulat dito.

Kaya muli, tulad ng nasabi na, anumang panaginip na may kaugnayan sa “numero o numbers” ito ay maliwanag na tanda na sa susunod na mga araw, magkakapera ka ng malaking halaga at lalago nang lalago ang kabuhayan mo, at kakapal din ng kakapal, pati na ang laman ng iyong bulsa o ang laman ng iyong wallet o pitaka.

Samantala sa   modernong kahulugan o pang-psychology interpretasyon, sinasasabing kapag nanaginip ka ng mga numero ito ay laging may kaugnayan sa iyong sarili, kung saan, maaaring ang numerong napanaginipan ay “dati ng may sarili kang interpretasyon o palagay dito.”

Kaya nga tulad ng panaginip mo Gemma na numerong 777, malamang alam mo na yan dati pa o matagal mo ng alam na ang numerong 777 ay suwerte, kagaya din ng numerong 555.

Ibig sabihin napanaginipan mo ang nasabing mga numero dahil ipinapaalam sa iyo ng unconscious self mo na sa malapit na hinaharap, 100% o siguradong-sigurado susuwertehin ka, hindi lang sa salapi kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Sa modernong pagbibigay kahulugan o pang-psychology na diskarte, sinasabi ring kapag nanaginip ka ng numero, dapat tutukan mo rin ang kahulugan ng mismong bilang na napanaginipan mo.

Haliwamba Gemma, 777, kailangang alamin din natin ang kahulugan ng numerong 7. Ano ba ang significant o “kahalagahan” o “pinapahiwatig ng numerong 7?

Sinasabing ang numerong 7 ay “one of the most sacred numbers, it represents victory; the highest stage of illumination,”. Ibig sabihin ang numerong 7, bukod sa suwerte, ito ay may kaugnayan din sa kabanalan, sa enlightenment at sa pagtatagumpay. Kaya kung 777 ang napanagipan mo, anuman ang kina-career mo sa kasalukuyan, pangmateryal na bagay man, pang-relasyon, pang career, o pang kabanalan, mas malamang na magtagumpay ka at manaig.

Dagdag dito, naalala mo ba ang pag-inom ng mga medical plants na pinapayo ng mga matatanda? Kung saan, ang tawag sa mga “herbal tea na galing sa pitong uri ng dahon ay pito-pito.”  Ibig sabihin ang numerong 777 sa panaginip ay talaga namang nagpapahiwatig din ng “healing o kagalingan.”

Kaya nga kung anumang mga problema, aktuwal na karamdaman, at mga bagay na iniinda mo sa buhay sa ngayon, siguradong matapos kang makapanaginip ng numerong 777, tanggal at kusang mawawala ang lahat ng iyan na parang “himala” na ikaw ay tila nagdahilan lamang.

Sinasabi ring ang bilang na 666 ay sa demonyo, habang ang bilang na 777 naman ay kay Kristo.

Nangyari dahil alalahanin din ang numerong 7 ay representasyon  mismo ni Jesus, kung saan, si Jesus Christ ang manunubos at tagapaglitas ay sa mismong numerong 7 din isinilang, dahil ang December 25 o ang numerong 25 ay may suma o kabuuang tuos na 2+5=7.

At kung si Judas Iscariote ay may numerong 13 o 4 (1+3=4) si Jesus naman ay sinasabing 7 ang numero. Mapapansin ang katotohanang ito kapag si Jesus ay nasa gitna ng 13 tao o ng kanyang 13 disipulo. Bumilang ka ng isa, dalawa, tatlo.. ect…  mula sa kanan, mapapansin mo si Jesus o ang nasa gitna ang papatak na ika-7. Mula naman sa kaliwa, bumilang ka ng isa,  dalawa, tatlo.. etc… mapapansin mong si Jesus o ang nasa gitna pa rin ang papatak na ika-7. Yon ang hiwaga ng numerong 13 at 7, na hindi sila maaaring paghiwalayin, dahil kahit na sa kaliwa o kanan ka magsimula ng bilang, laging ang nasa gitna ay siya pa ring papatak na ika-7.

Kaya nga tulad ng nasabi na Gemma, dahil nanaginip ka ng numerong 777, tiyak ang magaganap, sa buwan ding ito ng Nobyembre hanggang sa nalalapit na kaarawan ni Jesus sa Disyembre 25, magsisimula na at tuloy-tuloy ng darating sa buhay mo ang ibat-ibang uri ng suwerte  na hindi lang ikaw ay makikinabang, kundi pati na rin ang mga mahal mo sa buhay at ang buong pamilya ninyo.

3 COMMENTS

  1. Maestro fan na fan nyo po ako, ako po ito si Katrina anak ni Ellen, paki interpret naman po ng panaginip ko ganto po kasi yon, nananaginip po ako lagi ng may humahabol saamin ni daddy minsan po aswang, minsan tao na papatayin daw kami tapos ako po nahihirapan po kasi ako sa paghinga kapag tumatakbo kaya binubuhat ako ni daddy sa likod nya tas nung medyo wala nang aswang o masamang tao, tumigil na kami tapos edi hingal na hingal si daddy, nakita ko nanaman po yung humahabol samin tas tumakbo ulit kami ni daddy pero di na nya kaya sabi nya tumakbo nalang daw ako wala na akong nagawa, pinatay na sya ng mga humahabol saamin.

    Ps: patay na po si daddy last year oct. 14

  2. Good morning maestro honorio ong
    Gusto ko po sana malaman kung ano po ang kagulugan ng akong panaginip madalas po kasi ako nanaginip na may tubig minsan po may kasama ako lumangoy papunta sa kabilang island at nakakarating naman po Kami agad tapos po minsan naman po basa barko po ako kasama ko po yung mga dati ko pong naging kasamahan sa barko…. saka po pag nakaka panaginip po ako ng tubig lagi po nandoon Ang dati kung kasintahan ano po ba ibig sabihin nyon maestro honorio ong sana po mainterpret nyo po ang aking panaginip maraming salamat po maestro hornio ong and god bless you po

    Code: Lady Scorpio

  3. Hello po Maestro, tatlong beses ko na po etong npapanaginipan at plgeng parehas po ung ngyayari. Aalis daw po kmi ng kinakasama ko at may pupuntahan po pero bakit po palageng kasama yung dati nyang asawa? Pero sa panaginip ko ok nman kming tatlo at komportable. Plage po ung nkikita kong pngyayari ay pasakay nkmi ng kotse namin dahil paalis nkmi. Tatlong beses na po ganun.. Anu po ba ang ibigsabihin nyan? Bakit plage ksama ung dati nyang asawa. Pero in real life po ay hiwalay na cla kc my bf ng italyano ung dating asawa ng kinksama ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here