Ang daan tungo sa tagumpay ni Maricar Reyes

0
27

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Pinag-usapan ng husto ang pagkamatay ng karakter ni Samantha Imperial sa La luna Sangre. Ito’y ginampanan ng 36 years old na si Maricar Concepcion Pozon Reyes na mas kilala bilang si Maricar Reyes. 

Matatandaang nakilala siya sa mga karakter na ginampanan niya sa Precious Hearts Romances Presents: Bud Brothers kung saan nanalo pa siya bilang Best New Female TV Personality sa PMPC Star Awards for Television noong 2009 at sa pelikulang Anatomiya ng Korupsiyon na naging dahilan upang manalo siya bilang Best Actress sa Cinema One Originals Film Festival Award noong 2011. Maging ang kanyang mga ginampanang karakter sa Filipino Adaptation ng Lovers in Paris, Kung Tayo’y Magkakalayo, Imortal, 100 Days To Heaven, Be Careful With My Heart, Juan Dela Cruz, Sana Bukas Pa ang Kahapon at marami pang iba.  

Hindi na nakapagtataka na iba’t ibang uri ng karakter ang naibibigay sa kanya dahil na rin sa kagalingan niya sa pag-arte at pagganap sa mga role na ibinibigay sa kanya. Isa pang nakamamangha sa kanya ay ang kaalamang hindi lamang siya basta-basta artista na nangarap makilala at sumikat dahil bago paman naging isang premyadong aktres ay isa muna siyang doctor. Nagtapos siya sa kanyang Bachelor of Science degree in Biology sa University of Sto. Tomas Faculty of Medicine and Surgery. 

Ngunit, isa siguro sa hindi malilimutang kaganapan sa kanyang buhay na nakaukit na rin sa alaala ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng sex video kung saan kasama niya ang cosmetic doctor na si Hayden Kho. Ang pangyayaring iyon yata ang isa sa pinakamasamang eskandalo sa buhay ni Maricar Reyes ngunit iyon din ang nagpatunay kung gaano siya katatag. Sa kasagsagan kasi ng eskandalo, nanatiling tahimik lamang si Maricar. Ni hindi siya nagpapa-interview at nagpapakita sa madla; tila hinintay niyang mapagod ang mga tao na pag-usapan ang tungkol sa mga nasabing video.  

Dininig naman ang panalangin ni Maricar dahil makalipas lamang ang mga taon ay tuluyan ng bumaba ang tension, natabunan ng iba pang eskandalo at tsismis sa showbiz ang kanyang eskandalong kinasangkutan hanggang sa magkaroon siya ng bagong yugto sa kanyang buhay—ang pagkakamabutihan nila ng Big Band Crooner na si Richard Poon taong 2012 na nauwi nga sa engagement taong 2013. 

Sa isang private Christian ceremony ay ikinasal sila ni Richard Poon noong taon 2013 na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng industriya. Matatandaang naging napakamadamdamin pa ng kanilang kasal lalo pa at ng sabihan ng pastor na “You may kiss the bride” ay ang unang kiss ng dalawa.  

Saad pa ni Maricar na ‘nag-bounce back’ matapos ang isang napakalaking unos sa kanyang buhay,  

“ Actually with this whole thing, I just realized, He’s real.” Ito ang kanyang saad ng ma-interview.“With this recent time, God, totoo ka pala. Pwede pala kitang kausapin. Pwede pala akong mag-vent sa’yo. And you really offer solution to the problem. Just pray, whatever. Nag-o-offer pala siya ng way out.” 

At nitong Hunyo ay nagkaroon ng isang napakagandang proyekto ang mag-asawa—inilabas nila ang kanilang librong pinamagatang “10 Things We Fight About” na mayroong napakagandang feedback mula sa madla. 

Tunay ngang nakaka-inspire ang kwento ng buhay at pag-ibig ni Maricar Reyes. At nararapat lamang na paghugutan ng aral lalo pa ng mga kabataan sa ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here