Ang bonggang kasal nina Song Joong-Ki at Song Hye Kyo

0
24

Ikinasal na ang mga bida sa Korean drama na “Descendants of the Sun”. Ang mga artistang sina Song Hye-Kyo, 35 at  Song Joong-Ki, 32, ay ikinasal noong Oktubre 31 sa Shilla Hotel na may tradisyonal na Korean house-style banquet hall na tinatawag na Yeong Bin Gwan. Sinasabi na gumastos ang dalawa ng 70 million won o $63,000 o mahigit P3M. Napakamahal ng wedding gown ni Song Hye Kyo at tuxedo ni Song Joong Ki dahil parehas itong may tatak na Christian Dior.

Dahil sa kasikatan nina Song Hye-Kyo at Song Joong-Ki, star studded ang kanilang kasal. Maraming artista ang dumalo sa kasal kabilang na rito sina Zhang Ziyi, Kim Ji Won at Choi Min Suk, co-stars nila sa “DOTS”, at ang Variety King ng South Korea na si Yoo Jae Suk na nakasama ni Song Joong Ki sa “Running Man”. Dumalo rin sina Park Hyung Sik ng ZEA, Super Junior’s Donghae, 2PM’s Junho. Ang iba pang mga dumalo ay sina Park Bo Young na nakasama ni Song Joong Ki sa pelikulang “Werewolf Boy”, ang aktor na si So Ji Sub, Shinee’s Minho, Cha Tae Hyun, Yoo Yeon Seok, Ji Suk Jin, Kim Jong Kook, Haha at marami pang iba.

Ang mga best man ni Joong Kin na sina Lee Kwang Soo at Yoo Ah In ang nagbasa ng mga sulat. Samantala, ang aktor ng Moonlight na si Park Bo Gum ang tumugtog ng piano. Ang singer at theater actress naman na si Ock Joo Hyun ay kinantahan ang mag-asawa.

Sabi sa report, sa Europe magho-honeymoon ang dalawa at sila’y titira sa bahay na nabili nila sa  Itaewon, ito ay tinuturing na Makati ng South Korea.

Kilala ang dalawa lalo na ng mga Korean drama addict na Song-Song couple. Sila ay unang nagtambal sa Korean drama na Decendants of the Sun at maraming nagsasabi na doon nabuo ang pag-iibigan ng dalawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here