Ang baby namin ni Dhie

0
49

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

First monthsary namin ni Dhie kaya naman ginawa naming special ang aming relasyon. Pinaghanda ko siya. Siyempre bukod sa baked mac at fried chicken, mayroon din kaming wine. O, ‘di ba talaga namang romantic. We love each other naman kasi talaga at wa kami care kung mayroon mang kumokontra sa klase ng relasyon mayroon kami. Ang importante, kami ay nagmamahalan. At happy kami. It so nakakakilig nga ng bigyan niya ako ng stuffed toy na bear.

“Ang cute-cute naman ng baby natin,” sabi ko pa kay Dhie. Kahit na sinabi na ni Dhie na binili lang niya iyon sa utay-ukay na-appreciate ko pa rin ‘yun. Paano, iyon ang eksaktong stuffed toy na hiniling kong iregalo niya kaya naman super happy ako. Feel na feel ko ang love sa akin ni Dhie kaya nag-effort siya ng ganu’n.

“Siyempre, ako ang Daddy, eh.”

Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang stuffed toy. Medyo tabingi pa nga ang mata. Medyo napasinghap lang ako ng mapansin kong biglang kumurap sa akin ang bear. Naitsa ko tuloy iyon. Para kasing sinasabi noon nà may sarili itong buhay.

“Akala ko ba baby natin, bakit hinahagis mo?” nagtatakang tanong sa akin ni Dhie.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang nakita ko ngunit alam hindi naman niya ako paniniwalaan. Tiyak ko pang pagtatawanan lang niya ako at sasabihing gumagana na naman ang imahinasyon ko. Siyempre, ayokong bigyan siya ng pagkakataon na takutin pa niya ako. Mahilig kasing mang-asar si Dhie.

“M-matulog na lang tayo,” wika ko. Pagkahiga niya ay ipinikit niya nang mariing-mariin ang kanyang mga mata. Kailangan kasi niyang maalis sa kanyang damdamin ang takot na kanyang naramdaman.

Kahit naman kasi naninirahan na kami ni Dhie sa Manila — doon kami sa paupahan namin sa Recto nakatira, lumaki pa rin ako sa Ilocos kung saan natural lang ang mga usapang multo. Gayunpaman, natatakot pa rin. Matatakutin kaya ako. Kaya naman kaysa ipakita ko pa ang takot na nararamdaman ko, pinili ko na lang ang matulog.Nakuntento na lang ako sa yakap ni Dhie.

Akala ko ay magtutuluy-tuloy ang aking pagtulog pero ginising ako ng paghagikgik ng kung sino kaya naman napadilat ako at kasabay noon ay ang pagbagsak ng kung ano sa aking harapan. Ang lakas ng pagtili ko nang makita kong nakatihaya sa akin ang stuffed toy na iyon at dilat na dilat na.

Kung hindi ako niyugyog ni Dhie nang paulit-ulit, hindi ako matatauhan. Kaya naman niyakap ko siya ng sobrang higpit.

“Ano ba ang nangyayari sa’yo?” nagtatakang tanong ni Dhie.

“Bakit nandyan ang stuffed toy na ‘yan?” nenenerbiyos kong tanong.

“Baby natin siya, hindi ba?”

“Ayoko, hindi…” wika ko saka niya ibinato ang stuffed toy sa dingding tapos noon nakita kong may dugo sa likod ng pintuan kung saan ko ibinato ang stuffed toy na iyon kaya lalo akong nagtititili.

SHARE
Previous articleIniwanan ng dyowa dahil sa hula
Next articleHoroscope, Oktubre 4, 2017

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here