Aminin mo man o hindi… BABAENG UHAW SA SEX, BUKING SA KLASE NG PANAGINIP

7
401
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 35

Tunghayan natin ngayon ang panaginip ni Rachel ng SFDM, Quezon City tungkol sa mga bulaklak.

Dear  Maestro, 

Ako po ay 19 years old lang at nag-aaral sa isang university sa Manila. Palagi ko pong napapanaginipan ‘yung isang lugar na maraming bulaklak. Ano po ba ang ibig sabihin nito?

 

KASAGUTAN:

Maniniwala ba kayo kung sasabihin nating sa dinami-dami ng mga tao sa ibabaw ng mundo, ang mga babae lang ang nanaginip ng mga bulaklak? At masasabi ring bihirang-bihira sa mga lalaki ang nanaginip ng mga bulaklak, maliban na lang sa mga bakla o bading, dahil ang bulaklak ay simbolo ng kababaihan.

Ayon sa psychologist na si Carl Jung, “Flower symbolize the woman herself; her budding sexuality; the first kiss or the first sexual act (to be “deflowered”); the flowering of new energies or ideals”.

Ibig sabihin, ang bulaklak mismo ay ikaw. At base na rin sa paliwanag na nabanggit, bukod sa pangkaraniwan ng babae ang nanaginip ng mga bulaklak, karamihan sa kanila ay silang mga nasa murang edad, na maihahalintulad ang kanilang karanasan – sa isang rosas na kasalukuyang numumukadkad.

Kaya iyong mga matatandang babae, iyong mga babaing amoy lupa na, imposible at bihirang-bihira talaga silang mananaginip ng mga bulaklak, dahil ang simbolo ng  bulaklak, higit lalo at ito ay “namumukadkad” ay para sa mga teenager lamang, o sa mga nagdadalaga.

Kaya kung ang isang babaing may asawa na o may edad na ay nanaginip ng mga bulaklak o madalas managinip ng bulaklak, malinaw na ang interpretasyon at ibig sabihin nito, “siya ay kasalukuyang in love o kaya’y lumalandi o kumbaga sa isang matandang babae o lalaki ay nagmumurang kamias.”

Ang ibig sabihin sa Bulacan ng “nagmumurang kamias” ay “bumabalik sa pagiging teenager kahit na  siya ay matanda na.”

Kaya mabalik tayo sa panaginip mo Rachel, kagaya ng nasabi na sa itaas, namumukadkad ka sa ngayon, naghahanap ng unang yakap o kaya’y unang halik, o sabihin na nating nauuhaw ka sa mga romantic moments na siyang ring sagisag  ng mga bulaklak.

Kaalinsanbay nito, puwede rin nating sabihing nauuhaw ka na magka-boyfriend o kung may boyfriend ka man ngayon, nauuhaw ka sa isang tagpo kung saan, magkasama kayong dalawa na naglalakad sa parke o dili kaya’y naka-upo sa ilalim ng malabay na punong kahoy habang pinagmamasdan ninyo ang mga bulaklak sa hardin ng inyong pagmamahalan.

Ganu’n ang gustong mangyari ng unconscious self mo, ang nagkakaroon ka ng makakaulayaw. Kaya naman, nagkubli sa pamamagitan ng mga bulaklak sa iyong panaginip ang nasabing romantikong tagpo.

Iyon naman sinasabi ni Carl Jung na “deflowered” ito ang tinatawag natin sa Tagalog na “nadonselya” o “nawalan ang viginity”. Kaya maaari ring ihaka, kung virgin ka pa ngayon, walang malisya ang usapang ito, ay iyon nga, sa edad mo ngayon, kinakabahan o naglalaro na sa isipan mo ang tungkol sa mga usaping mahahalay at may kaugnayan sa pakikipag-sex. Sa eksaktong salita, nananaginip ka ng mga bulaklak, dahil ito ang panahon ng iyong pagkamulat sa sexualidad.

Samantala, hindi lang ganyan ka-simple ang ibig sabihin ng mga bulaklak sa panaginip. Dapat din namang, tanungin mo ang iyong damdamin, habang ikaw ay nananaginip ng mga bulaklak. Masaya ka ba? Malungkot? At sa ibang salita, ano ba ang kaugnayan ng mga bulaklak sa gising, sa aktuwal o totoo mong buhay?

Sapagkat kung masaya ka nu’ng ikaw ay nanaginip ng mga bulaklak, at kitang-kita mo sa iyong panaginip kung paanong ang mga bulaklak ay namumukadkad o kung paanong ito ay iniiwi ng ihip ng hangin, ito ay nangangahulugan lamang na “ang mga bulaklak ay:  “symbolize a part of you that begun to bloom.”

Ibig sabihin, bukod sa masaya ka emotionally, namumukadkad ka at nagkakaroon ng malalim na awareness sa iyong sarili, sa iyong ginagalawang lipunan, at sa iyong pribadong daigdig.Ito ay nangangahulugan ding maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyo sa susunod sa mga araw.

Dagdag na tanong saan mo ba nakita ang mga bulaklak? Sa parke ba, sa kabuhiran o sa ibabaw ng mesa na nakalagay sa isang bouquet? Puwede din naman kasing ang mga bulaklak na iniaalay sa gilid ng casket ng  mga namayapa nating mahal sa buhay na sumisimbolo ng kalungkutan.

Kung sa kabukiran o sa isang parke, ito ay nangangahulugang kasalukuyan, naka-inhibit o pilit mong itinatago ang nagwawalang passion o marubdob na damdamin mong umibig sa isang lalaki na crush na crush mo. Ibig sabihin, may lalaking gustong-gusto kang makasama kaya lang ay hindi mo iyon masabi o maihayag sa kanya. Kaya naman nanaginip ka ng mga bulaklak sa kaparangan o sa kabukiran.

Kung sa ibabaw ng mesa o nakaayos na parang isang bouquet ang napanaginipan mong mga bulaklak – ito naman ay tanda na kahit na may crush kang lalaki, supil at hawak mo pa rin ang iyong damdamin o sa maikling salita, kaya mo pa ring itago o lihim ang paghanga mo sa kanya.

Dagdag dito, sinasabi ring kung minsan ang mga babaing malapit ng mabuntis o kasalukuyang nagdadalang-tao o nagdadalang sangol sa kanyang sinapupunan ay nanaginip din ng mga bulaklak. Ito ay sumisimbolo ng mismong “ovary” o obaryo ng mga kababaihan. At puwede rin ng “uterus o bahay bata”, na sumisimbolo ng kapangyarihan ng kanilang inner organ na lumikha, mag-aruga at bumuo ng isang malusog, magada  at matalinong sanggol sa kanilang sinapupunan.

Ibig sabihin kapag buntis ang isang babae at nanaginip ng mga bulaklak, tiyak na isang cute at magandang babae ang kanyang magiging anak.

 

(Sa mga gustong magpa-interpret o mabigyang kahulugan ang kanilang panaginip. Mag-message lamang po or mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. I-scroll down nyo ang cursor, mababasa ang LEAVE A REPLY, Comment: D’yan n’yo po isulat ang buong detalye ng inyong panaginip. Kung ayaw ipabanggit ang tunay na pangalan, maglagay ng “code name at city or provincial address.” Walang bayad at buong puso po namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po! – MHO) 

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip? Maaari rin kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.

7 COMMENTS

  1. Magandang gabi po gusto ko lang po malaman kahulugan ng panaginip ko na ikakasal na kami ng asawa ko at nakahanda ng lahat. pero sa totoong buhay po 10 years na kami nagsasama at hindi nakakapagpakasal. 3 na po anak namin hindi ko nga po masabi kung kailan mangyayari to. tsaka po nanaginip po ako ng isang puno na walang bunga ng umakyat ako at nagpitas biglang ang daming bunga nito dalanghita po ang bunga pagkarami rami ng napitas ko. salamat po

  2. Hello po.. Nais ko lamang malaman ang kahulugan ng aking panaginip 2 years ago na po. Bigla ko po kc naalala kya itatanong ko lng po kung anu ibigsabihin dahil medyo nagalala po ako.

    Palabas daw ako ng pinto ng bahay at nakita ko po na may paparating na mga pulis at hinahanap ako. Di ko po alam kung anu kasalanan ko pero nkaramdam ako ng takot. Meron isang kalaki na dko masyadong maalala kung ung tatay ko ba un o ung asawa ko, basta bigla nlng po sinabi ng lalaki na tumakbo kna at iligtas mo ang sarili mo. Sinubukan ko po tumakbo at magtago pero kalaunan sumuko rin po ako at isinuko ko ang sarili ko sa mga pulis. Sabi ko daw po na pagod na akong tumakbo at magtago habang naiiyak ako. Sa panaginip ko wala nman akong nagawang kasalanan pero bakit nila ako hinuhuli.

    Anu po kya ibigsbhn ng pnaginip ko? Masama kya? Medyo nagaalala lng ako. Pero 2 years ago na po ko yan npanaginipan.

  3. tanong q lng po madalas po aqng nanaginip s asawa q n iniiwan nya aq.sv q po s knya wg mo akong iwan intayin mo aq.peo hnd po cia nkikinig s akn.tuloyan nya po aqng iniwan.hanggang hnd q n cia mkita.un po ang napapanaginipan q.ano po kya ang ibig svhn non.

  4. Good day po, maestro gusto k lang itanong yong napanaginipan k tawagin niyo n lang po akong MJ , nakita k s panaginip k nakasakay s eroplano asawa k tapos nong nasa mataas n sila inihulog siya tinakbo k po yong babagsakan at nakita k pagbagsak niya bigla sya tumayo hind po siya nasaktan kaya sabi k po s kanya sakay n lang kami helicopter tinanong k kung marunong siya paandarin oo daw kaya kinuha nmin yong helicopter n nkita k napapalibutan ng kawayan s palagid nong medyo nkaangat n yong helicopter nakita k yong binatilyo n kapitbahay nmin nkasimangot sabi k kausapin nmin sabi niya wag n at sasabit kamit s mga kawayan kaya pinalipad n niya ng mataas , maestro ano po ibig sabhin ,maraming salamat po

  5. Dear maestro,
    hello po, tawagin niyo n lang po ako n Mj ,maestro nanaginip po ako lagi ng tubig una po nasa ilog daw po ako at ang linaw ng tubig kita yong mga bato s ilalim at my mga sakay ng bangka ako nman po nglalakad lang s tubig , s isa pang panaginip k mgkasama daw kami ng mga kaibigan k nkasakay kami s pajero inhinto nila yong pajero s gilid ng daan kc my bibilhin sila naiwan kami ng isang frend k pero bigla tumaas ang tubig s ilog marumi po, aabutin
    n yong loob ng pajero kaya inaya k yong frend k n lumabas ayaw niya kaya iniwan k siya my nakita po akong motor kaya sinakyan k pinatakbo ng mabilis , tapos nanaginip ulit ako my pinuntahan kami ng asawa k umakyat kami s hagdanan pgdating s taas my mga pinagtanggaan ng palay saka yong sahig basa s honey , sumunod n panaginip k nglalakad kami ng asawa at kaibigan k my daanan doon n kalsadang bato at kulay puti parang marmol kaya lang medyo lubog siya s tubig n malinaw n malinaw pero mas pinili nmin s damuhan dumaan tapos binigyan ako ng kapitbahay k ng isda n galunggong buhay p siya at matataba at mahaba parang hawig s igat at my kasama n kalamansi maestro ano po kaya ibig sabhin ng mga panaginip k maraming salamat po s pgsagot

  6. good morning po maestro,
    kagabi ko lang napaginipan 2, sa pagitan ala 1 at alas 2 ng madaling araw, pumasok daw ako sa isang bahay o iskul kc pagpasok ko may nakita akong student na babae nakauniform cia kaya alam kong studyante cia meron akong itinanong sa kanya nd kn matandaan, basta itinuro nia ang isang hagdan sabi andun sa itaas, ang ginawa ko umakyat ako pero bago ako nakaakyat kinagat ng aso ang paa ko ang nakagat ay yun aking sakong,nakaakyat din ako ang sabi ko ala nmn rabies yun aso saka me narinig akong nd nmn nabaon ang kagat pero ng tignan ko me sugat pero alang dugo,parang bale wala lang yun sakin masaya pa nga ako sa king panaginip kc nga nakaakyat ako sa hagdan kahit kinagat na ng aso ang paa ko…ano po ang kahulugan na aking panaginip maestro, sana po masagot mo 2 ng mas maaga, marami pong salamat….pakitago na lang po ang aking name..thank u po uli….

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here