AMAZING FILIPINA: LIZA MAZA

0
34

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Latest posts by Mia Salonga (see all)

Si Liza Maza ay isang Filipina activist na lead convenor ng National Anti-Poverty Commission. Miyembro siya ng Philippine House of Representatives at nire-representa niya ang Gabriela Women’s Party.

Nahasa ang kanyang passion sa public service at activism sa pamamagitan ng integration niya sa urban poor women at workers mula noong mga araw niya bilang student leader sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya ay nagtapos ng Business Economics degree noong 1978. Si Liza ay isang taong hindi nagdadalawang-isip na ilabas ang issues mula sa grassroots hanggang frontlines ng mga rallies at picketlines hanggang sa halls ng Congress.

Nakapag-author ng 18 bills at 24 resolutions si Liza bilang Bayan Muna representative sa 12th Congress. Bilang representative ng Gabriela Women’s Party, nakapag-author siya ng 53 bills at 120 resolutions sa 13th and 14th Congress. Ang mga bills na kanyang in-author at pumasa bilang batas ay ang Rent Control Act of 2009 (RA 9653), The Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (RA 9344), Magna Carta of Women (RA 9710), Philippine Nursing Act (RA 9173), Anti-Torture Law (RA 9745) and Anti-Violence in Women and Children Act (RA 9262) kung saan siya ay co-author. Siya rin ang may-akda ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Naniniwala si Liza na ang kanyang trabaho bilang activist legislator sa Kongreso ay complimentary sa mass campaigns para sa workers’ and peasants’ rights at welfare.

Bilang pagsuporta sa mga kababaihang manggagawa, nagsimula siya ng imbestigasyon sa rampant practice ng contractualization at ang impact nito sa mga kababaihang manggagawa. Nag-imbestiga rin siya sa mga rampant na kaso ng sexual harassment lalo na sa lugar ng trabaho.

Bilang saksi sa hindi magandang impact ng globalization sa agricultural sector ng bansa, mahigpit na kinontra ni Liza ang pagsunod ng Pilipinas sa GATT-WTO. Sumasama siya sa mga peasant women sa pakikipaglaban para sa globalization at food security. Bilang sagot sa militarization sa peasant communities, nagbigay si Liza ng privilege speech tungkol sa paghihirap ng indigenous Mangyan women sa highly militarized na probinsya ng Mindoro Oriental.

Advocate din si Liza ng basic right to education ng mga kabataan at welfare ng mga guro. Na-conceive niya ang 20-20 formula na humihikayat sa mga legislators na mag-allocate ng 20% ng kanilang Priority Development Assistant Fund para sa pagpapagawa ng mga silid-aralan. Kinontra din nya ang pagtaas ng tuition fees at nagpatawag siya ng increased government subsidy para sa State Colleges and Universities.

Isa ring prominenteng figure si Liza sa international communities, nakapagsalita na siya sa mga international conferences tungkol sa mga paghihirap na kinakaharap ng mga Filipinas. Si Liza ay isa sa prime movers ng Purple Rose Campaign ng GABRIELA, isang global campaign para tapusin ang sex trafficking sa mga kababaihan at kabataang Filipino.

Sa kabila ng persecution at harassment na natamo ni Liza at ng kanyang progressive partylist organizations kasama na ang Gabriela Women’s Party, patuloy pa rin si Liza sa pakikipaglaban sa kanyang mga advocacies. Sa kalagitnaan ng proklamasyon ni former President Gloria Macapagal Arroyo ng state of emergency noong 2006, si Liza ang natatanging babaeng representative sa Batasan 6. Kasama ni Liza ang lima pang partylist representatives na humarap sa illegal arrest matapos kasuhan ng rebelyon. Ang charges ay dinismiss din ng Supreme Court.

Noong July 1, 2016, inanunsyo ng Malacanang na in-appoint ng Pangulong Rodrigo Duterte si Liza Maza bilang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission. Ayon kay Maza, tinanggap niya ang appointment dahil ito ay oportunidad para magdulot ng pagbabago sa bansa na siyang campaign platform ng Duterte administration. Ayon din sa kanya magfo-focus siya sa rural development.

“Bilang NAPC head, ibibigay ko ng lubos ang aking makakaya para tugunan ang mga responsibilidad at pangangailangan para maisakapatuparan ang agenda ng pamahaalan para sa mahihirap.” 

 

SOURCE (ARTICLES):

https://gabrielanews.wordpress.com/rep-liza-maza

https://en.wikipedia.org/wiki/Liza_Maza

https://www.rappler.com/move-ph/138270-liza-maza-anti-poverty-czar

SOURCE (IMAGE):

https://en.wikipedia.org/wiki/Liza_Maza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here