4:16

0
26

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

BUNTIS ako kay Glaiza noon. Yes, mga katsismosa, magla-labing anim na taon na ang nakakaraan pero hindi pa rin iyon nabubura sa aking isipan. Feeling ko nga, hindi ako kailanman iiwanan ng karanasan kong iyon na nagdudulot pa rin ng kilabot sa bawat himaymay ng aking kalamnan. Parang hindi sapat na yakapin ko lang ang aking sarili. Giniginaw pa rin kasi ako sa ‘di malamang dahilan.

Hindi ko na matandaan kung ilang buwan na ang tiyan ko noon, basta kapag sumasapit ang 4:16 ay nagigising ako. At hindi simpleng pagkagising ang nangyayari sa akin. Nagigising ako sa panaginip ko at nagigising ako patungo sa reyalidad. Kumbaga, dalawang beses akong nagigising buhat sa aking panaginip at tumagal iyon ng ilang buwan hanggang sa ako ay makapanganak. Isang gabi bago ako manganak, isang matangkad na lalaking nakasumbrero ay aking namulatan sa paanan ng aking kama.

Gusto kong sumigaw ng mga oras na iyon pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko’y mayroong kamay na nagtakip sa aking bibig. Kaya naman, parang wala akong magawa ng maramdaman kong tila umaangat ako sa kama. Hindi ko gusto ang nangyayaring iyon kaya naman sabi ko sa aking sarilli, kailangan kong magising. Buti na lamang at naisipan kong magdasal. At sapat na iyon para ako ay magising.

Sa palagay ko, isang demonyo ay pilit na pumapasok sa aking sistema ng panahon na iyon. Hindi kasi gusto ng mga magulang ko ang ama ng aking anak kaya naman hindi ko maiwasan ang magkaroon ng galit sa aking puso. Pakiramdam ko kasi’y hinahadlangan nila ako. Kaya lang, makalipas ang ilang taon ay natuklasan ko na hindi rin talaga siya dapat na pagkatiwalaan.

Kung talagang napasok ng demonyong iyon ang aking sistema, hindi ko na alam kung buhay pa ako ngayon at nakakapagsulat. Para kasing may pagkakataon na gusto niyang kunin ang katinuan ko. Mabuti na nga lamang at nakuha ko pang maalala na may God pa rin akong matatakbuhan.

Kaya, naman mula ng gabing iyon, hindi ko na kinalimutan pa ang pagdarasal. Alam ko kasing si God lang ang puprotekta sa akin kung mayroong ‘nilalang’ na gustong magmaniobra sa aking sistema. Kaya naman, laking pagsisisi ko sa mga sandaling naglalaho na ang paniniwala ko na hindi ako gustong sumaya ng aking pamilya kaya pati kay God, ako ay nagalit. Ngunit ngayon, promise ko, lagi na akong maniniwala at magtitiwala, hindi lang kay God kundi pati sa aking pamilya na alam kong tunay na nagmamahal sa akin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here