3F’s, Kahirapan at ang nakakabuwisit na Palusot

1
45
PhilippineOne Outreach

PhilippineOne Outreach

PhilippineOne is committed to building homes for street children as well as constructing vertical farms to feed communities.Support our mission by supporting our advertisers or by contacting us at info@philippineone.com
PhilippineOne Outreach

Latest posts by PhilippineOne Outreach (see all)

Oct 7, 2017

Ang hotel na aking tinitirhan ay naghahanda ng almusal sa unang palapag ng gusali. Nagustuhan ko iyon dahil maraming akong pagpipiliang pagkain — mula sa maiinit na lugaw na may kasamang mais hanggang sa mga masasarap na maruya na gawa sa iba’t ibang gulay. Noong araw na iyon, umupo ako sa isang sulok at nagbasa ng diyaryo habang umiinom ng mainit na kape. Sa di-kalayuan o may labinlimang talampakan ang layo mula sa kinauupuan ko, may napansin akong isang matandang lalaki na may kinakausap sa kanyang cellphone at tila’y tinatalakay ang isang uri ng negosyo kaya siya’y pinagmasdan ko.

Batay sa aking obserbasyon at pagsasalarawan, siya ay isang Caucasian na nasa 65-taong-gulang o higit pa. Siya ay may mga namumuong taba sa katawan at ito’y makikita sa kanyang dibdib. Sa malayong tingin, ang kanyang ilong ay tila’y nabago marahil sa kadahilanan ng pagkalulong niya sa alak. Nang matapos ang kanyang tawag, mapanukso niyang kinausap ang dalawang tauhan ng hotel na nanatiling magalang at nakangiti sa kanya.

Nung malapit ko nang maubos ang aking pangalawang mangkok ng lugaw, isang maganda at balingkinitan na dalagitang Pilipina ang aking nakita na pumasok sa restaurant at tumabi sa matandang lalaki. Sa tingin ko, siya ay hindi lalagpas sa edad na 19-taong-gulang at halatang nakipag-“date” siya sa matandang lalaki noong nakaraang gabi.

Bago natin ipagpatuloy ang kuwento, inaamin ko na hindi ako maituturing na isang anghel subalit mayroon akong malinaw na pamantayang moral na batay sa paggalang at sa makalumang kasabihan na nagsasabing, “pakitunguhan o tratuhin mo ang iba sa paraang gusto mong tratuhin o pakitunguhan ka nila.” Ako ba ay isang mapagmagaling o masyadong matuwid na uri ng tao? Oo, marahil ngunit gayunman, habang pinagmamasdan ko ang dalawa, parang ako’y nasusuka sa kakaisip kung ano ang pinagdaanan ng dalagitang iyon at gusto kong malaman kung siya ba’y nagsuka rin pag-uwi niya sa kanilang tahanan. Siya ay nakayuko lamang sa restaurant, habang sinusubukan niyang hindi makipagtitigan sa mga tauhan ng hotel na ganoon din naman ang ginagawa. Dahil sa obserbasyong iyon, natutunan ko na ang kahihiyan ay isang tinatanggap na pakikipagtulungan sa Pilipinas.

Subalit, kailangang malaman ng matanda at matabang dayuhan na ang sekswal na kalandiang ito ay hindi isang magandang karasanan para sa naturang dalagita — at oo, siya ay isang batang babae at hindi isang ganap na babae. Kailangan niya ring malaman na hindi siya isang magandang lalaki anuman ang sabihin ng dalagita at hindi siya ganoon kaguwapo tulad ng batang lalaki na nagtatrabaho sa restaurant na iyon sa siyang mas bagay para sa dalagita. Kailangan niya ring malaman na ang batang babae ay maaaring ma-trauma o magpakailanma’y magdadala ng poot laban sa mga dayuhang lalaki dahil sa pagbebenta ng kanyang katawan. Kailangan niyang malaman na isa siyang nakalulungkot na katwrian para sa tawag ng laman, at kailangan niyang habambuhay na pagbayaran o pagsisisihan ang paggamit ng kanyang malaswang utak at mababang moralidad. Kinailangan niyang malaman ito ngunit baka wala naman siyang pakialam.

Ang karaniwang pangangatwiran o argumento para sa mga ganitong uri ng kalakalan o kasunduan ay may dalawang-panig. Ang batang babae ay nangangailangan ng pera at ang matandang lalaki ay nagnanais ng panandaliang-aliw. Napakadaling usapan lang naman iyon at pareho silang nakinabang.

Upang hindi makaramdam ng pagkakonsensiya ang sinumang lalaki na nagbabayad para sa panandaliang aliw o “pay for play” (P4P), siya ay kailangang mayroong mababang opinyon sa mga babae o sa kultura ng mga kababaihan. Habang ang mga nalulungkot na kalalakihan ay naglalakbay ng libu-libong milya para maranasan ang panandaliang kaligayahan na dulot ng pakikipagtalik na naging mailap sa kanilang lugar. Ang bawat isa sa mga kalalakihang ito ay hindi maaaring mapawalang-sala o patawarin sa kanilang mga ginawang paglabag. Maaari silang bumili ng pag-ibig sa kanilang mga lugar kung talagang gusto nila ngunit pupunta pa sila sa Pilipinas upang manawaran ng murang pakikipagtalik sa mga batang kababaihan. Karamihan sa mga kalalakihan, maaaring may mabuting puso o mapanghamak talaga, ay walang ideya kung sino ba ang nakakatabi nila sa pagtulog. Nakakarinig sila ng mga kuwento tungkol sa kahirapan at kusa nilang sasamantalahin ang kahirapang pinagdaraanan ng mga ito subalit hindi sila nakakaramdam ng malaking empatiya dahil hindi nila nakikita ang tunay na kahirapan mula sa swimming pool ng kanilang hotel.

Noong nakaraang gabi, habang naglalakad ako sa P. Burgos Street sa Makati, napagmasdan ko ang maraming transaksyon sa pagitan ng mga dayuhang kalalakihan at mga kabataan/babae, pati na rin ang nakakagulat na populasyon ng mga retokadang bakla o transsexuals. Ang desperasyon mula sa mga nagtitinda ng Viagra at mga babaeng mapupusok ay hindi namang masyadong matindi; ito ay napakalaki ngunit pagkatapos ng ilang pag-uusap habang nagiinuman, napagtanto ko na ang kalungkutan ay hindi natatapos sa pagwawakas ng pakikipagtalik. Sa katunayan, ito ay simula pa lamang sa karamihan ng mga dalaga. Sa kabilang kalye mula sa P. Burgos ay may isang inabandunang gusali na kapag sumapit na ang alas-4 ng umaga ay nagiging tahanan ng maraming “kalapating mababa ang lipad” o mga prostitute na walang permanenteng tirahan. Kapag hindi sila nakakakuha ng kliyente para sa isang gabi at bumalik sa hotel kasama ng mga ito, sila ay natutulog sa mga lansangan. Ang mga kababaihan at mga bakla (ladyboys o transgender women) ay natutulog sa sulok na may tambak ng basura at ihi. Ang mga bar sa P. Burgos ay nagbibigay ng mga unan sa mga patutot (prostitutes) kapag binibilhan sila ng mga mamahaling “ladies drinks” ng kanilang ka-date. Ang mga unan ay ginagamit nila kapag sila ay natutulog sa lansangan at ito ay alam ng mga bar. Sa oras ng pagtatrabaho, ang mga unan ay maingat na nakatago sa mga bag na naglalaman ng mga damit at makeup kits hanggang sa kanilang pagbabalik.

Napapaisip ako kung nababatid ba ng mga kalalakihang gumagamit ng mga bayarang babae na ang piraso ng laman na kanilang minomolestiya ay natutulog sa mga lansangan kasama ang may limampung ibang mga prosti noong nakaraang gabi. Alam ba nila na ang paliligo bago ang pakikipagtalik ay ang unang ligo niya mula noong nakipagtalik siya sa huli niyang customer na maaaring isang linggo na ang nakakalipas?

Ang kalakalan ng “sex for money” sa Makati ay hindi limitado sa kalye ng P. Burgos lamang. Dalawampung hakbang mula sa front entrance ng aking tinitirhang hotel, makakakita ka ng isang grupo ng mga batang kababaihan na hindi tatanda sa 20-taong-gulang (marahil ang iba ay mas bata pa) na nag-aabot ng mg business cards para sa mga masahe — isang kowd para sa salitang sex. Iba-iba ang presyo sa bawat serbisyo depende sa hiling, atas o pangangailangan ng bawat kliyente. Ang mga dalagita ay uupo doon at maghihintay ng text mula sa kanilang mga customer mula dapit-hapon hanggang madaling araw kinabukasan. Tatanggapin ng mga banyagang kalalakihan na may iba’t ibang uri ng lahi at relihiyon ang mga kard at magtatanong sa pagpepresyo bago lalayo. Kapag ang mga dalagita ay nakabalik na sa kanilang pinanggalingan, ang parehong lugar ay nangangamoy mapanghi dahil sa ihi.

Napakadaling isisi sa pamahalaan ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng kung anong meron tayo at wala, at ang kakulangan sa pagkakaroon ng marangal trabaho na sa kakanyahan ay ganap na responsible para sa kalakalan ng prostitusyon na lubos na hayagan at itinuturing pangkaraniwan. Ito ay isang palaisipan para sa akin — bakit nga ba ito katanggap-tanggap o bakit ito naging halos nagwawalang-bahalang paksa ng talakayan? Makalipas ang dalawang araw at habang papunta ako sa paliparan, tinanong ko ang drayber ng sinasakyan kong taksi kung ano ang nadarama niya tungkol sa 3F’s (F—ing Fat Foreigners) na nagbabayad para makipagtalik sa mga kabataang Pilipina. Ayon sa kanya, madalang ang mga ito at nangyayari ito kahit saan. Paano hindi nakakaalam sa mga bagay na ito ang isang taong nagmamaneho ng taksi sa loob ng 12 oras? At hindi, hindi ito nangyayari kahit saan. Ginawa niya pang katwiran ang kahirapan at wala na siyang ibang masasabi kundi problema ito ng pamahalaan.

Ngunit paano nating magagawang sisihin ang administrasyong Duterte tungkol sa prostitusyon na dulot ng kahirapan kung ito ay matagal nang problema ng mga nakaraang pamahalaan magmula noong panahon ng Amerikanong kolonyalismo? Paano natatanggap ng isang bansang nakatuon sa Katolisismo na ang kanilang mga kababaihan ay ibinebenta ang kanilang sarili sa mga banyagang mangangalakal na malinaw na walang paggalang sa kanila o sa bansang kanilang tinitirhan. Paano ang isang napakayamang relihiyon ay hindi makapagbahagi ng kanilang kayamanan upang mailigtas ang kanyang mga mamamayan?

Simple lamang ang kasagutan sa mga katanungang ito. Walang sinuman — maliban sa iilan — ang nagbibigay-pansin sa mga Pilipino at dapat napagtanto na ng mga mamamayang Pilipino ang katotohanang ito. Una, dapat matigil o mahinto ang kalakalan ng prostitusyon. May paraan upang pigilan ang mga dayuhang kalalakihan sa pagbisita sa Pilipinas bilang mga “sex tourist.” Sa katunayan, simple lamang ang naiisip kong paraan. Kung pupunta ako sa YouTube ngayon, makakahanap ako ng maraming footages mula sa mga taong hangal na kinukunan ang mga bargirl o prostitute at ipapakalat ang mga video nito para pagkakitaan ng pera. Kadalasan, tatakpan nila ang mga mukha ng mga sex tourist bilang tanda ng paggalang. Subalit hindi nila ito ginagawa sa mga kababaihan na ayaw magpakuha ng video. Sila ang mga dalagitang natatakot na malaman ng kanilang mga pamilya ang tunay nilang trabaho. Ngunit slubos nilang ginagalang ang mga walang-hiyang kalalakihan na gumagamit ng mga bayarang babae sa napakamurang halaga. Kaya naman panahon na upang baliktaran natin ang sitwasyon. Bakit nga ba hindi nating takpan ang mga mukha ng mga kababaihan at ipokus ang pagkuha ng video sa mga banyagang kalalakihang ito. Kunan niyo ng videos ang mga dayuhang ito at ipost sa YouTube. Kung kaya nilang kumuha ng video, kaya niyo rin. Gawin niyo rin ang mga ginagawa ng ilang kalalakihan na nagpopost sa Pastor Hokage sites and sinasadyang dungisan ang mga buhay ng mga Pilipina. Ipakita niyo sa mga ina kung ano ang ginagawa ng kanilang mga anak! Ipahiya sila katulad sa pagpapahiya at pananakot nila sa mga biktima o batang babae na dinudungisan nila habambuhay.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Simulan niyo na ang pangungulekta ng mga video at ipo-post namin ang mga ito.

 

 

1 COMMENT

  1. Hi PhilippineOne team! I’ve been following the website for a couple of days now and I find it pretty interesting. However, can someone from the team check the published articles for any errors and if the stories make sense or not. I understand Tagalog but this article is soooo bad! Your site has a lot of potential but please hire an editor to check on your articles. I really like your site and I hope to see some improvements when I visit the site again. TY!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here